Naghain ng civil case sa Taguig City Regional Trial Court (RTC) ang kinatawan ng isang kumpanya upang ireklamo ang ilang opisyal ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) kaugnay ng irregularidad umano sa bidding ng isang proyekto sa Bataan kamakailan.
Nag-ugat ang kaso sa bidding para sa proyektong Bataan Technology Park sa Morong, Bataan na pinondohan umano ng ₱5.9 bilyon.
Kabilang sa inireklamo ni Phebie Jame Dy, kinatawan ng Stone of Hope Builders and Development Corporation, sina BCDA Chairman Gregorio Garcia III, acting President Aristotle Batuhan at anim na iba pa.
Ayon kay Dy, nagtataka ang kumpanya kung bakit mas pinaboran ng BCDA officials ang mataas na bidder kumpara sa kanilang kumpanya na mas mababa ng halos ₱2 bilyon.
Iginiit din ni Dy na mas makatitipid sana ng ₱1.6 bilyon ang pamahalaan, gayunman, hindi sila pinaboran sa bidding matapos umano siyang tumangging magpaluwal ng 10 porsyento umanong kickback para sa mga naturang opisyal.
Bella Gamotea