Mukhang hindi rin nakaligtas ang 75-anyos na showbiz columnist at kagaya ng marami ay nahumaling din ito sa mga Korean drama series.

Sa kanyang Instagram post noong Martes, ibinahagi ng veteran talent manager ang kanyang pagkawili sa mga Koreanovela.

Pag-amin pa ni Manay Lolit, “mas type” niya ang mga aktor o mas kilalang “oppa” sa mga Pinay millennials kumpara sa mga naggandahang aktres na kutis-porselana.

Dahil sa pagkahumaling sa Kdrama ay, naiba na rin umano maging ang kanyang pamantayan ng pogi.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“Naiba na nga ang level ko sa pogi, dapat Korean looking na, ayaw ko na ng masyadong very American o European looking, mas type ko na ang Asian looking,” sey ni Manay Lolit.

Gayunpaman, wala pa rin aniyang makatatalo sa klase ng pogi ng mga Pinoy na itatapat pa rin niya sa mga naggagwapuhang oppa ng South Korea. Nabanggit pa ng talent manager ang tatlong maningning na pangalan sa Korean showbiz industry.

“Pero siyempre, mas pogi pa rin sila Alden Richards, Richard Gomez at Derek Ramsay. Itapat ko pa rin sila kila Nam Joo Hyuk, Lee JoonGi at Kim WooBin na sure ako talo kay Dingdong Dantes sa pagka guwapo pag nakita ko sa personal,” sabi ng showbiz insider.

“Wala parin tatalo sa Pinoy noh.”

Ang Pilipinas ang isa sa malaking merkado ng mga Kdrama series sa buong mundo.

Kaugnay na lathalain: Realization ng Pinay background actress sa mga Kdrama: ‘Walang oppa sa real life’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid