Patuloy pa rin ang alok na libreng sakay ng Pasig River Ferry Service (PRFS) sa publiko, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Binanggit ng MMDA, ang libreng sakay ay isang alternatibong transportasyon na nag-aalok ng libre, ligtas, malinis, mabilis at maginhawang pagbiyahe sa Ilog Pasig.

Ang mga pasahero ay makaiiwas sa trapik at polusyon habang nag-eenjoy sa magagandang tanawing madaraanan ng ferry boat.

Ang biyahe ng PRFS ay magmula sa Pinagbuhatan sa Pasig City hanggang Escolta sa Maynila, mula Lunes hanggang Sabado para serbisyuhan ang mga pasahero.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Idinagdag pa ng ahensya na prayoridad ng PRFS ang kaligtasan ng mga pasahero sa gitna ng banta ng COVID-19 kaya regular na isinasailalim sa disinfection at sanitation ang mga ferry boats at mga istasyon nito.