Nagkaisa ang Board of Trustees kabilang ang Pangulo ng Philippine College of Criminology (PCCR), institusyong unang nagpakilala ng programang Criminology for Scientific Crime Detection and Police Science Education sa Timog-Silangang Asya, para suportahan ang kandidatura ng Leni-Kiko tandem ngayong eleksyon.
Sa isang pahayag ngayong Miyerkules, Abril 20, ipaliwanag ng PCCR ang naging pasya nitong pagresbak sa nabanggit na kandidato.
“For 68 years, Philippine College of Criminology has been driven and guided by the motto of our founder, Justice Felix Angelo to do things “for the public and the country”. Despite the changing times and technological advances, we have remained steadfast in that claim, backed by the mission to transform the lives of those in our community to contribute to nation building,” mababasa sa pahayag ng PCC.
Dagdag nito, bilang tagapagtaguyod ng kalidad na edukasyon at mahusay na serbisyo, gampanin umano ng PCCR na depensahan ang kasaysayan na yinuyurakan umano ng matinding pagsasawalang-bahala sa katotohanan.
Tungkulin din umano ng institusyon na siguruhing hindi naiimpluwensyahan ng “unfit leaders” na maging “corrupt officials and officers” ang kanilang mga estudyante.
Dahil sa nabanggit na dahilan ay nagpahayag ng buong suporta ang PCCR sa kandidatura nina Vice President Leni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan bilang pangulo at ikalawang pangulo, ayon sa pagkakasaunod-sunod.
Nabanggit din ng PCC ang mga kalidad ng tandem kabilang ang kanilang husay at kakayahan na mamuno na nagkumbinsi sa kanila para makuha ang endorsement ng institusyon.
Sa huli, hinikayat ng eskwelahan ang kanilang mga estudyante, alumni, at mga magulang na suportahan si Robredo at Pangilinan sa darating na eleksyon sa Mayo.
Nilagdaan ng Board of Trustees ang pahayag sa pangunguna ni President Crisina Isabelle G. Bautista.