Tapos na ang Commission on Elections (Comelec) sa pag-iimprenta ng ng voters information sheet (VIS) para sa 2022 National elections.
Sa consolidated status report sa pag-iimprenta ng VIS, binanggit ng Comelec na nakumpleto na nila ang lahat ng form para sa mga rehiyon sa bansa.
Nilinaw ng Comelec na makatatanggap ng form ang bawat registered voter dahil ipamamahagi na ito bago maidaos ang eleksyon sa Mayo 9.
Nakapaloob sa VIS ang pangalan ng botante, address, precinct at lugar kung saan siya nakarehistro.
Sa datos ng Comelec, aabot na sa 65.7 milyon ang nakarehistrong botante sa bansa.
Sa ilalim ng batas (Republic Act 7904), dapat maipamahagi ng Comelec ang VIS sa bawat botante, sa pamamagitan ng koreo, 30 araw bago ang halalan.
PNA