Iginiit ni Department of Tourism (DOT) Secretary Bernadette Romulo-Puyat na kailangang sundin ang carrying capacity upang maprotektahan ang Boracay Island sa pagdagsa ng mga turista.

Inihayag ni Romulo-Puyat, layunin din nitong matiyak na maipatupad ang health at safety protocols sa gitna ng pandemya ng coronavirus disease 2019 (Covid-19).

It's about studies. We will rely on experts if it could be increased... Even tourists don't want to go to a place that is overcrowded," ani Romulo-Puyat.

Hanggang sa 19,215 lamang ang kapasidad ng isla, gayunman, lagpas na sa itinakdang bilang ang dumagsang mahigit sa 22,000 turista nitong Semana Santa.

Probinsya

Kolehiyalang nanlaban umano sa 'rapist,' patay matapos pagsasaksakin

Nauna nang inihayag ni Romulo-Puyat na dapat na magpaliwanag si Malay, Aklan Mayor Frolibar Bautista sa nasabing insidente.

Aniya, iniiwasan ng gobyermona magkaroon pa ng hawaan ng sakit kaya dapat pa ring pairalin ang nasabing patakaran.

Pinaplano naman ng Malay local government unit na ihirit sa pamahalaan na dagdagan pa ang bilang ng mga turistang puwedeng tanggapin sa nabanggit na pamosong isla.