Inilabas na ngayong Miyerkules ng gabi ang music video ng 2021 hit song ni Adie na “Tahanan.”

Sa halos pitong minutong MV, agaw-pansin ang natural na chemistry nila Andrea Brillantes at Adie dahilan para kiligin ng fans. Magkasintahan sina Adie at Blythe sa istorya ng MV kung saan inilahad nito ang kalmadong takbo ng kanilang relasyon bilang tahanan ng isa’t isa.

Napansin din ng netizens ang parehong glow ni Blythe at Adie sa MV. Espesyal na katangian din ng MV ang piniling sinematograpiya na pinalutang pa ng post production color grading, angkop sa tema ng kanta at istorya ng mga karakter.

Si Kris Cazin ang nasa likod ng brand new MV. Samantala, narito ang ilan sa mga komento ng netizens sa materyal.

Musika at Kanta

Regine, nakatanggap ng apology letter matapos maetsa-pwera sa billing ng MYX Global

“Ang ganda lakas din ng chemistry nIlang dalawa. Congrats ganda music video, kilig to the bones. Stay safe and God bless!”

“Woii bakit ang cute nilang panuorin? And the chemistry between the 2 of them! I'm so kilig. Congrats Adie and Blythe, I'm proud of you both <3”

“I was smiling the whole time, ang lakas ng chemistry nila, kilig!!”

“The whole vid it was wholesome, parang ang sarap-sarap magmahal. Ang pure, can't stop smiling while I'm watching. Adie is such a good singer and actor, plus he's so gwapo! KINIKILIG AKO, Thank you for this MV. I guess worth the wait. ♡”

“Grabeh yung chemistry. Kinikilig ako hanggang matapos yung mv!!!!!”

“Tahanan is when you wake up and the first person you see is the one you love. You know that he/she is your tahanan when you feel home, rest, peace care and love all at the same time. Nowadays, it's rare to find someone you can call tahanan since short term and no label relationships are the trend today. But when you found your own Tahanan it feels unreal but yes it feels so good. 'Tahanan person' are for keeps.”

“Waaa ang gandaa, yung setting, coloring, yung mga props, hair and makeup tsaka si Blythe and Adie ang gandaaaaa overall.”

Taong 2021 nang unang mapakinggan ng publiko ang Tahanan. Kasalukuyan na itong mayroong higit 28-M views sa music streaming platform na Spotify.