Tumugon at nagbigay ng reaksyon si Kapuso Comedy Concert Queen Ai Ai Delas Alas sa kontrobersyal na tweet ni actor-singer Audie Gemora na mas nakakatawa at mas matalino raw ang Kapuso comedian din na si Pokwang (tinatawag ding Pokie) kaysa sa kaniya.

Noong Abril 8, ni-retweet ni Audie ang isang pubmat ni Pokwang na ginawa ng isang news outlet, batay sa pahayag nito na hindi siya nangangambang mawalan ng followers at friends sa social media; mas natatakot pa siyang mawalan ng prinsipyo at dangal.

"Good morning…. gusto ko lang malaman n'yong mga nagbabanta mag unfollow sakin hahaha. Go ahead di po ako takot mawalan ng followers! takot akong mawalan ng dangal at karapatan lumaban para sa bayan at para sa aking mga anak at magiging apo. #PinKAngPokienyongLahat #Lenikiko," ani Pokwang.

"I always thought Pokwang funnier, more intelligent than Ai Ai," reaksyon naman ni Audie.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/11/pokwang-mas-nakakatawa-at-mas-matalino-raw-kaysa-kay-ai-ai-sey-ni-audie-gemora/">https://balita.net.ph/2022/04/11/pokwang-mas-nakakatawa-at-mas-matalino-raw-kaysa-kay-ai-ai-sey-ni-audie-gemora/

Si Audie ay isang certified Kakampink gayundin si Pokwang. Si Ai Ai naman ay nagpahayag ng pagsuporta sa UniTeam.

Matatandaang pinabulaanan mismo ni Ai Ai na tagasuporta siya ni Vice President Leni Robredo, batay sa mga kumakalat na pekeng balita, na ibinatay sa litrato mula sa pelikula niyang 'Ang Tanging Ina Ninyong Lahat' ng Star Cinema, kung saan nakasuot siya ng pink dress.

"Utang na loob NANAHIMIK AKO wag n'yo akong masali-sali sa mga ganito.. tahimik buhay ko.. lahat na lang… huy!!! Tanging Ina ko pa picture 'yan, tanging ina ka kung sino ka man na gumagawa ng mga ganitong kacheapan…" pahayag ni Ai Ai.

"Pls. hindi po ako VP LENI supporter .. #panahonpanimatusalemangpicturenayan #iwantpeace #iwantunity #silenceisdeadly," aniya pa.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/10/tanging-ina-ka-sino-ka-mang-gumagawa-ng-mga-kacheapan-hindi-ako-vp-leni-supporter-ai-ai-delas-alas/">https://balita.net.ph/2022/03/10/tanging-ina-ka-sino-ka-mang-gumagawa-ng-mga-kacheapan-hindi-ako-vp-leni-supporter-ai-ai-delas-alas/

Nakumpirma ang pagiging UniTeam supporter ng komedyante nang magbigay siya ng video message para sa sortie ng UniTeam sa mga Overseas Filipino Workers o OFW.

“Ako po ngayon ay naimbitahan upang magbigay po sa inyo ng munting mensahe dahil bukod po sa ako ay tagasuporta ng UniTeam, ako rin po ay may pusong OFW,” aniya.

"Tayo ay Pilipino, taas-noo kahit kanino. Maraming-maraming salamat po. Ito po si Ai-Ai delas Alas para sa UniTeam," dagdag pa.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/02/ako-ay-tagasuporta-ng-uniteam-ako-rin-po-ay-may-pusong-ofw-ai-ai-delas-alas/">https://balita.net.ph/2022/04/02/ako-ay-tagasuporta-ng-uniteam-ako-rin-po-ay-may-pusong-ofw-ai-ai-delas-alas/

Nitong Martes ng gabi, Abril 19, sa isinagawang press conference para sa bago niyang Kapuso teleseryeng 'Raising Mamay', sinabi ni Ai Ai na hindi niya alam kung paano magkokomento rito dahil hindi naman daw niya kilala si Audie. Grateful daw ngayon si Ai Ai sa takbo ng showbiz career at personal na buhay kaya wala siyang masamang tinapay sa kahit na sinoman.

"In case lang na itanong sa akin ‘yan, pinag-isipan ko talaga eh. Paano ko ba ito masasagot na hindi ako plastik at saka hindi talaga ako yung nagdudunung-dunungan o nagbabait-baitan. Kaya sabi ko talaga, ‘Lord, paano ko ba sasagutin ito nang bukal sa puso ko talaga?" pag-amin niya.

“Kaya sabi ko talaga, ‘Lord, paano ko ba sasagutin ito nang bukal sa puso ko talaga? Kasi napaka-blessed na blessed na ako, eh. Una, may trabaho ako. May Raising Mamay ako. Wala akong sakit. Hindi ako nagkaroon ng Covid. Ang mga anak ko, walang sakit. May asawa akong mapagmahal. Kumbaga, napakarami kong blessings, and I hope, siya rin."

"I wish him well, and sana maging marami rin siyang blessings para makita niya ang kagandahan ng bawat isa sa atin. Ginawa tayo ni God in our own unique ways so in God’s eyes, iba-iba tayo. Pati nga fingerprints natin iba-iba tayo. So, I think, let’s all speak and claim blessings instead."

Nalulungkot din si Ai Ai na masyadong winasak ng politika ang samahan ng mga magkakaibigan at magkakapamilya.

"Isang araw lang naman ito. Pagkatapos nito, magkakaibigan uli kayo, magkakamag-anak kayo. So, I think na mas maganda rin na be careful kayo sa mga sasabihin ninyo o bibitawang salita,” pahayag niya.

Mapapanood ang bago niyang teleserye sa GMA Afternoon Prime na magsisimula na sa Abril 25.

Wala pang tugon si Audie Gemora o maging si Pokwang tungkol dito.