LA TRINIDAD, Benguet - Umaabot na sa₱14,854,000 na halaga ng tanim na marijuana ang binunot at sinunog sa magkakasunod na operasyon ng mga awtoridad sa Benguet kamakailan na ikinaaresto ng 15 na suspek.

Sa talaan ng Benguet Provincial Police Office,ang tuluy-tuloy na pagsugpo ng marijuana sa lalawigan mula Abril 10-16 ay nagresulta sa pagkasira ng kabuuang 8,510 fully grown marijuana plants (FGMP) na may standard drug price na₱1,742,000.00; 6,800 piraso ng marijuana seedlings (₱272,000.00) at 107,000 piraso ng tuyong tangkay ng marijuana (₱12,840,000.00).

Sa datos naman ng Regional Operations Division (ROD) ng Police Regional Office-Cordillera, pito ang naarestong drug personalities sa nabanggit na panahon.

Kinilala ang mga naaresto na sina Ian Niccolo Pinlac Reynon, 28; Jeric Lopez Batuyog, 21; Troy Agunod Simbajon, 21; Levi Hope Flordelis Molines, 20; Manny Lacambra Calagno, 38; Alain Gadalio Candong, 44; at Edian Morales Peralta, 30.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Sa Benguet, kinilala ang mga naarestong personalidad na sina Mark Guilford Awal Puddong, 39; Gilbert Guinomon Laban, 32; Kenjie Laongan Edoc, 25; at isang 17-anyos na lalaki na menor de edad habang isang Crisanto Marcellano ang namatay sa pakikipagbarilan sa mga pulis ng Mankayan Municipal Police Station;Sally Palaganas Bugtong, 39 at Brendalee Kasandra Lebgan Moyawan, 39.

Sa Abra, kinilala ang nadakip na drug suspect na si Patrocinio Domingo Basseg, 48.

Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).