Muli na namang namayagpag sa Twitter ang pangalan ng TV host-actress-vlogger na si Toni Gonzaga matapos ang kaniyang matapang at diretsahang pahayag na maluluklok bilang susunod na pangulo si UniTeam standard bearer Bongbong Marcos, Jr. o BBM, matapos ang May 9 elections.
Kasama kasi sa UniTeam Festival Rally si Toni na ginanap sa Cebu City nitong Lunes, Abril 18, 2022. Pagkatapos ang pag-awit ng signature song na 'Roar' ni Katy Perry ay mariin niyang sinabi na kaunting panahon na lamang daw at babalik na si BBM sa dati nitong tahanan--- ang Malacañang.
“Kaunting-kaunting panahon na lang, babalik na si BBM sa kaniyang tahanan — ang Malacañang ," pahayag ng dating Pinoy Big Brother (PBB) host sa harap ng mga Cebuano.
Unang 'nanirahan' si BBM at ang kaniyang pamilya sa Malacañang nang maging pangulo ng bansa si dating pangulong Ferdinand Marcos, Sr. na naglingkod mula 1965 hanggang 1986.
Kaagad namang umangat ang pangalan ni Toni sa trending list at kaniya-kaniyang reaksyon at komento rito ang mga netizen.
“Malacañang belongs to the people of the Philippines and is not, and will never be, an exclusive property of the Marcoses. Sorry, but this statement of yours can’t be filed under the ‘respect my opinion’ category.”
"I do not see anything wrong with Toni G’s statement. BBM once lived and stayed in Malacañang. Previously Elected presidents and their families can claim that it was once their HOME. These antis are just so furious because it’s BBM. Tsk. Tsk. Bardagulan morning, humans!"
"Stop this clown ideology Toni Gonzaga. #Malacañang Palace will never be a home for Marcos' again. We will never allow making this to fall into the hands of murderers, corrupt, and deceivers politicians like them. WE AIN'T DO DRUGS DON'T FOOL US!"
"Toni Gonzaga's character is ADMIRABLE because she SACRIFICED her career just to support Bongbong Marcos. Not everyone has that COURAGE to do that."
"Malacañang represents the people of the country. Not a home for murderers, not a home for anyone. This statement is appalling because of how certain they are. Toni Gonzaga, are you hinting for a rigged election?"
" Nasa inyo na sina Anne, Pia, Catriona, ano pa ba ngingangawngaw ninyo mga Kakampinks? Naghuhumiyaw ang surveys oh, BBM-Sara ang bet ng taumbayan. Tantanan na si Toni G!"
Buong-buo ang suporta ni Toni G at maging ang mister na si Direk Paul Soriano para sa UniTeam, sa simula pa lamang. Naging kontrobersyal din ang pahayag niya na "Tapos na, tapos na ang laban, may nanalo na" patungkol kina BBM at Sara Duterte.