Target ng Department of Education (DepEd) na masimulan ang School Year 2022-2023 sa Agosto.

Ito ang inihayag ni DepEd Undersecretary for Curriculum and Instruction Diosdado San Antonio sa isang pulong balitaan nitong Martes.

Ayon kay San Antonio, ipinanukala na nila na masimulan ang susunod na school year sa Agosto 22 at magtatapos ito sa Hulyo 7, 2023.

Sa kabuuan aniya, magkakaroon ng 215 school days sa naturang panukalang school calendar.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Target rin aniya nilang mas marami pang paaralan na makapagdaos na rin ng limitadong face-to-face classes, kasabay ng remote learning.

Ang SY 2021-2022 ay nakatakdang magtapos sa Hunyo 24.