Magpapatupad ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng stop-and-go traffic scheme sa ilang kalsada sa Pasay City sa Abril 20.

Sa inilabas na traffic advisory ng MMDA, ang naturang traffic scheme ay paiiralin sa Roxas Boulevard at Diokno Boulevard sa Miyerkules sa ganap na alas-8:00 ng umaga hanggang 10:00 ng gabi.

Ito ay upang bigyang-daan ang World Travel and Tourism Council Global Summit 2022.

Ayon pa sa MMDA,nasa kabuuang 415 na tauhan ng ahensya ang idedeploy upang siguruhin ang maayos na daloy ng trapiko.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta upang hindi maabala.