Not to rain on your parade Korean drama fans ngunit ito ang reaksyon ng Pinay background actress na si Noreen Joyce Guerra sa iniisip ng karamihan na chance of encounter sa isang oppa sa South Korea.

Nang tanungin sa kanyang realizations bilang napabilang na sa maraming mga Kdrama series at nanatili na sa banyagang bansa sa loob ng halos pitong taon, ang siguradong sagot ni Noreen, “Walang oppa sa real life.”

Ang “oppa” bagaman ang karaniwang kahulugan sa Korea ay mas nakatatandang kapatid na lalaki, ay maaari ring mangahulugang “poging celebrity” sa mga Korean drama series halimabawa.

“When you hear that people want to go to South Korea to see their oppas, like to find the man of their dreams, I don't think that's possible in real life," ani Noreen sa isang episode ng GMA digital show na “Share Ko Lang” kamakailan.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Kilala ang mga Pilipino bilang isa sa mga pangunahing markets ng Korean drama sa buong mundo.

Dahil sa kasikatan ng mga serye mula South Korea, nagiging oportunidad ito para sa mga Korean actors at idols na maglunsad ng mga concert at meet and greet events sa bansa.

Mapapansin din sa maraming local brands na Korean oppas ang endorsers dahil sa impluwensya nito sa kultura ng Pilipinas.

Pagbasag naman ni Noreen sa mga karaniwang pantasya ng Pinoy fans, “When you see sa K-drama na makikita ng mga tao sa streets 'yung mga favorite idols nila, sa K-drama lang 'yon. Actually, hindi mo sila makikita sa real life.”

Si Noreen ay isang full-time financial manager sa SoKor na suma-sideline bilang background actress sa weekend.

Ang 30-anyos na Pinay ay napabilang na sa maraming materyal kabilang sa kamakailang Netflix zombie apocalypse hit na “All Of Us Are Dead.”

Basahin: Cast sa K-series na ‘All Of Us Are Dead,’ isang ‘Pinay – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid