Ilang linggo na lamang ang bibilangin at magaganap na ang isa sa mga pinakamakasaysayang halalan sa Pilipinas; masasagot na ang tanong kung sino-sino nga ba ang magiging mga susunod na lider ng bansa na tiyak na babago sa takbo ng buhay ng sambayanang Pilipino.

Kani-kaniyang pasiklaban ang mga kandidato at partido sa kani-kanilang 'panliligaw' sa mga botante upang makuha ang kanilang 'shade' sa darating na halalan. May ilang mga celebrity na nagtatanghal upang ipakita ang pagsuporta, at may ilan din namang may impersonator pa.

Kaya naman, agad na kumuha at pumukaw ng atensyon ang tila 'kakambal' ni vice presidential candidate at Davao City Mayor Sara Duterte, ang kaniyang 'kalook-a-like' na si Jayson Ormo, 28 anyos, mula sa Brgy. Bagumbayan, Municipality of Lupon, Davao Oriental.

Eksklusibong nakapanayam ng Balita Online si Jayson, isang salon hair stylist at freelance make up artist. Bukod dito, isa rin siyang barangay kagawad.

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

Kailan nagsimula ang pagsasabing kamukha niya si Inday Sara?

"Nag-start po akong narecognize as kalook-a-like ni Mayor noong nanalo siya sa pagka-mayor ng Davao. But mas lalong na recognized noong nagka-commercial na si mayor ng Rexidol Forte and nang maging company endorser siya ng NCCC DAVAO na may malaking billboard sa may Bolton Bridge," kuwento ni Jayson.

Pero una pa man, sinabihan na umano siya ng highschool classmate na si Karl Rule noong 2012 na may pagkakahawig nga sila ng anak ng noo'y mayor ng Davao City na si Pangulong Rodrigo Duterte.

Masaya si Jayson at honored kapag nasasabihang kamukha ni Inday Sara, subalit pag-amin niya, minsan ay kinakabahan din siya.

"Very honored o, speechless po hahaha, pero minsan takot ako kasi baka may mistaken identity. Noong nanuntok si mayor ng sheriff, hahaha pero mas marami ang positive side. Kasi may mga insidente na tuwing sumasakay ako ng taxi, ang driver ay hindi na nagpa-plug down rate ng metro, tapos pagbaba ko 'Manong bakit wlaang metro?' Super gulat niya na hindi ako si mayor hahaha," natatawang kuwento ni Saraul.

Hindi lamang iyon, pati raw sa Davao Airport ay ganoon din ang nararanasan niya. Pinadaraan umano siya sa VIP lane sa pag-aakalang si Inday Sara siya.

"Pero may mas malala na nangyari noong nag-out of the country ako papuntang Singapore. Pagpresent ko ng documents ko as in off load, humagulgol ako ng iyak, kasi wala akong leave certificate. Permit to travel lang dala ko so, sinabihan ako ng immigration officer na babae na simple hindi ka makakaalis, super bagsak."

"Pero may isang officer na lalaki na lumapit at kinuha lahat ng valid id's and documents tapos sabay sabi kung hindi ko raw kamukha si mayor hindi talaga ako makakaalis. Super iyak ako at nagtawanan lahat ng officer, then take pictures na kami selfie-selfie hahahaha."

"Pero dito sa Davao marami talaga nakaka-recognize every time na kumakain ako sa mga restaurant, ay super Marites lahat nasabay, sabi akala ako si mayor," paliwanag ni Jayson.

Sa palagay niya, ano-ano ang mga pagkakatulad nila ni Inday Sara sa ugali o katangian?

"A side na I am also a public servant, mga katangian na meron ako na katulad ni mayor ay ang paging strong when it comes to challenges and trials sa private life and public service, and also ang pagiging prangka in all aspects. Of course pretty kaming dalawa. We're twinnies hahaha."

At paano naman sila nagkaiba?

"Hahaha mas matangos ang ilong niya kaysa sa akin hahaha tapos walang tigyawat… flawless siya kaysa sa akin… but I'm the only KALOOKALIKE," aniya.

Ano naman ang pakiramdam nang makaharap niya sa campaign sortie ang kaniyang kakambal, na naging viral?

"It's an honor po… but before ako nag-viral, nag-meet na kami sa aming oath-taking ng NHP o Hugpong ng Pagbabago, pero super flattered ako na ako lang 'yong replika niya."

May be an image of 1 person, standing and crowd
Davao City Mayor Sara Duterte at Jayson Ormo (Larawan mula sa FB)

Naniniwala si Saraul na si Inday Sara na raw ang susunod na pangalawang pangulo ng bansa, kaya ngayon pa lang, maagang pagbati na ang pahatid niya.

"A big congratulations! I know she will be our next vice president of the Philippines. My message to her is to stay being a great mother, and to the Filipinos. I know being the VP is a tough responsibility, but I know you're strong, smart, brave, resilient and confident to soar high like an eagle for the future of the Philippines… and I am excited to look forward to what she will become…"

Nagkasakit ng dengue si Saraul matapos ang pagsama sa campaign rally ng UniTeam subalit ngayon ay back on track na siya at maayos na ang kalagayan.