Binanatan ng ilang kongresista ang tatlong presidential aspirants na umatake kay Vice President Leni Robredo sa naganap na joint press conference noong Easter Sunday.
Ang tatlo ay sina presidential aspirants Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, Senador Panfilo Lacson at dating Defense Secretary Norberto Gonzales.
Kinondena ng Gabriela Women’s partylist ang presscon at inilarawan bilang “unabashed display of male egos as fragile as eggshells.”
Sinabi ni House minority leader at ACT Teachers party-list Rep. France Castro na ang Easter “gimmick” nina Domagoso, Lacson at Gonzales ay lalong nagpatindi sa paniniwala ng mga tao at botante na hindi nila dapat iboto ang tatlo.
Samantala, inakusahan ni Agusan del Norte Rep. Lawrence Fortun ang tatlong kandidato na "illogical" o walang lohika ang kanilang panawagan kay Robredo na mag-withdraw para maibigay ang tsansa sa bagong second placer na ma-overtake ang survey results ni dating Senador Bongbong Marcos.
“The call for Leni Robredo to withdraw is not only based on flawed assumptions, but outright lacking in logic,” giit ni Fortun.
Base sa pinaka huling OCTA Research survey na inilabas noong Linggo, Abril 17, nanguna siMarcos Jr. bilangtop presidential choice. Nakakuha siya ng 57 porsiyento habang 22 porsiyento si Robredo, 9 na porsiyento kay Domagoso, apat na porsiyento kay lacson at 0.001 kay Gonzales.