Nakahanda ang gobyerno na tumugon sakaling magkaroon ng hindi kanais-nais na sitwasyon pagkatapos ng pag-anunsyo ng mga resulta ng halalan, sinabi ng Malacañang nitong Martes.

Tiniyak ni Communications Secretary Martin Andanar nitong Martes sa publiko na titiyakin ng mga alagad ng batas ang kapayapaan at kaayusan sa pagsasagawa ng halalan.

Ito ang kanyang naging pahayag bilang tugon sa pag-aalala ng ilan na maaaring magkaroon ng kaguluhan kung mananalo ang frontrunning presidential bet Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa darating na botohan.

“Handa po ang ating pamahalaan at ang ating uniformed personnel na panatilihin ang kaayusan ng ating bansa,” saad ni Andanar.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sa kanyang public speech noong Lunes ng gabi, tiniyak din ni Pangulong Duterte sa publiko ang isang mapayapa at maayos na pagsasagawa ng halalan.

Binalaan din niya ang mga mag-uudyok ng karahasan na lalaban sila sa gobyerno, na inatasan ng Konstitusyon na protektahan ang publiko.

Joseph Pedrajas