Iniutos na ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipatupad muli ang "Alunan doctrine" na naglilimita sa bilang ng bodyguard ng mga politiko upang maiwasan ang karahasan.
Iginiit ng Pangulo, kapag lumagpas na sa dalawa ang armadong bantay ng mga politiko ay ikinokonsidera na itong private army.
"Kung sino mga kandidato, you limit yourself, and if you think that there is danger to your person in a certain place or a certain person, ipatawag ng (regional director) 'yan o ipatawag ng chief of police at kausapin na iwasan lang 'yung away, lalo na 'yung gamit ng armas," pagdadahilan ni Duterte sa isang public briefing nitong Lunes.
Noong panahon ni Pangulong Fidel Ramos, ginamit na ni dating Interior Secretary Rafael Alunan III ang "Alunan doctrine."
Iniutos na aniya nito sa mga awtoridad na ipatupad ito kasabay ng babala na ipaaaresto nito ang sinumang lalabag nito.
"Talagang puntahan kita. I will arrest you and your bodyguards. Hindi kami papayag na magkaroon ng terrorism sa election," sabi pa ng Pangulo.