Nagpasalamat si presidential aspirant Vice President Leni Robredo sa lahat ng dumipensa sa kanya mula sa mga naging pahayag ng tatlong presidential aspirants sa kanilang joint press conference na ginanap nitong Linggo, Abril 17, sa Peninsula, Manila Hotel.

Si Robredo ang kadalasang pinag-usapan sa joint presscon nina Senador Panfilo Lacson, Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, at dating Defense Secretary Norberto Gonzales. 

"Blessed Easter again to everyone. Alam kong maraming nasabi na ngayong araw. Ang iba nainis, ang iba walang pakialam, at ang iba nagalit. Nagpapasalamat ako sa lahat na dumipensa," ani Robredo sa kanyang Facebook post nitong Linggo ng gabi.

Ngunit may pakiusap lamang ang bise presidente para sa nalalabing 20 araw ng kampanya.

"Pero may pakiusap lang ako. Mula bukas, 20 campaign days nalang natitira. Kailangan wag tayong magpatalo sa emosyon," aniya.

"Huwag nang magbitaw ng masasakit na salita. Focus lang muna tayo sa kampanya - tao sa tao, puso sa puso. May bayan tayong kailangan ipaglaban," dagdag pa niya.

Sa naganap na joint conference ng tatlong presidential aspirants sinabi nilang hindi sila magbibitiw sa kampanya sa kabila ng may mga nagsasabi umano na magwithdraw sila.

"Hinding-hindi kami magbibitiw sa kampanya. Ang bawat isa sa amin ay magpapatuloy sa aming sariling kandidatura upang maging karapat-dapat na piliin ng sambayanang Pilipino,” saad ng kanilang joint statement.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/04/17/domagoso-sa-joint-press-conference-hinding-hindi-kami-magbibitiw-sa-kampanya/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/04/17/domagoso-sa-joint-press-conference-hinding-hindi-kami-magbibitiw-sa-kampanya/

Pinatutsadahan din nina Domagoso at Lacson si Robredo tungkol sa naunang pahayag nito na hindi siya tatakbo bilang pangulo.

“Very clear, very obvious ang intention is to unite under her. And that’s not unification as far as I am concerned and that’s the reason why we’re here. We talked among ourselves to offer ourselves and let the Filipino people decide. Who they want to be their next leaders. ‘Yun ang essence ng ating press conference today,” ani Lacson.

Ayon naman kay Domagoso, "I would like to re-enforce the statement of Senator Ping. Yes I was fooled also. In my face with the vice president. She said so many times, one thousand times, with all exaggeration. That she will never run for president."

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/17/domagoso-she-said-that-she-will-never-run-for-president-that-kind-of-person-cannot-be-trusted/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/04/17/domagoso-she-said-that-she-will-never-run-for-president-that-kind-of-person-cannot-be-trusted/

Samantala, pinagwi-withdraw ni Domagoso si Robredo sa pagka-pangulo dahil hindi raw epektibo ang ginagawa nito laban kay Marcos Jr.

“Hindi naging effective yung laban nila kasi nga personal. Gantihan lang. Away lang. I’m calling Leni to withdraw kasi whatever you are doing is not effective against the Marcos. Withdraw, come and join us,” anang alkalde.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/04/17/mayor-isko-i-am-calling-for-leni-to-withdraw-whatever-you-are-doing-is-not-effective-against-marcos/