Nasa trending list ngayon sa Twitter si Unkabogable Star at 'It's Showtime' host Vice Ganda dahil sa kaniyang outfitan ngayon sa noontime show.

Napansin kasi ng mga netizen na ang suot niyang outfit ngayon ay may touch of pink.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Kung titingnan naman ang kaniyang medyas, may nakalagay na disenyong rosas dito.

Kaya tanong ng mga katkatera at sawsawera, 'Kakampink' o tagasuporta raw ba ng Leni-Kiko tandem si Vice Ganda? Hanggang ngayon kasi, wala pang opisyal na inilalabas na pangalan ng kandidato o partidong sinusuportahan ang award-winning comedian at host, bagama't hayagan ang pagsuporta niya noon pa man kay senatorial candidate Atty. Chel Diokno.

Si Atty. Diokno ay kasama sa tiket ng Leni-Kiko tandem.

Matatandaang certified Kakampink ang co-hosts ni Vice na sina Anne Curtis, Kim Chiu, at Ogie Alcasid. Maging ang kaibigan niyang si Regine Velasquez ay nagpahayag na rin ng suporta sa Leni-Kiko tandem.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/12/anne-curtis-opisyal-nang-inendorso-si-vp-leni-a-mothers-love/">https://balita.net.ph/2022/04/12/anne-curtis-opisyal-nang-inendorso-si-vp-leni-a-mothers-love/

Kaya sa suot at pormahan ngayon ni Vice, hinuhulaan ng mga netizen na isa siyang Kakampink.

Bukod doon, markado rin ang pahayag ngayon sa Sexy Babe segment tungkol sa pagkakaroon ng 'alter accounts' na ginagamit ng trolls at bashers upang magpahayag ng pagpuna sa mga personalidad.

Ani Vice, "Kasi yung iba ang tapang pero 'pag tinignan mo, hindi naman nila pangalan, sa social media ang daming ganyan 'di ba ang tapang, ang kuda--- pero 'pag tinignan mo, woii 'di mo pangalan, alter account eh," ani Vice.

"Huwag matapang kung hindi totoong pangalan," pahayag pa.

Samantala, wala pang tugon, reaksyon, o kumpirmasyon mula kay Vice Ganda tungkol sa espekulasyon ng mga netizen sa social media na Kakampink siya.