Sa press conference para sa “Iconic” concert nila ni Asia’s Songbird Regine Velasquez, hindi nakaligtas si Megastar Sharon Cuneta na mahingan ng reaksyon ukol sa isyu ng “withdrawal” kamakailan.
Natanong si Sharon sa isang presscon nitong Lunes kung may balak pa itong mag-withdraw.
“Napag-withdraw ako pang-grocery,” natatawa at pabirong saad ni Mega.
“Beke nemen,” hirit naman ni Songbird.
Dagdag na saad pa ni Sharon. “Yung asawa ko nag-withdraw pang utilities namin. Ganun lang nagwi-withdraw sa amin,” dagdag ni Mega.
“Yung asawa ko nagwi-withdraw lang,” segunda pa ni Regine dahilan pata humagalpak sa tawa ang ilang miyembro ng press.
“Dapat kasi lalaki. Ang pangit kasi kung babae, ‘di ba?,” pilyang saad pa ni Sharon.
Seryoso namang nagbigay ng reaksyon si Mega matapos ang pinag-usapang joint presscon noong Linggo kung saan hinikayat ni Manila Mayor Isko Moreno na umatras na sa eleksyon ang kanyang karibal sa pagkapangulo na si Vice President Leni Robredo.
Pag-amin ni Mega, noong una’y proud siya sa pagpasok ni Isko sa politika dahil galing din ito sa mahirap na pamumuhay noon.
“When he was starting, I had a little pride in me of him dahil sa istorya ng buhay niya,” ani Sharon sa panayam ng News 5 matapos ang presscon ng Iconic.
“But frankly, as the years went by parang nakikita mo yung signs ng pagka-traditional politician,” dagdag na saad ni Sharon.
Ang traditional politician o “trapo” ay inilalarawang uri ng politiko na karaniwang naglalatag ng mabibigat na mga pangakong hindi nito kayang tuparin, para lang makunbinsi ang taumbayan sa panahon ng eleksyon.
“These traditional politicians know how to prioritize electoral gains and the best way to get them, according to the old-age playbook, is to maximize visibility even before the campaign period starts. This includes fast-tracking construction projects and building infrastructure that are not intended for the long term but would otherwise remind voters whose names should go on the ballot,” paglalarawan ng Manila Collegian sa isang lathalain nito noong Setyembre 2021.
Samantala, Sa Hunyo 17-18 gaganapin ang re-staging ng Iconic concert ni Songbird at Mega sa Resorts World Manila.