Bago ang Semana Santa ay talaga namang pinag-usapan ang proposal ni UP Fighting Maroons basketball superstar Ricci Rivero kay Kapamilya teen actress Andrea Brillantes para maging kasintahan nito, matapos ang bakbakan nila ng FEU Tamaraws na naganap sa SM Mall of Asia Arena noong Abril 9.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/10/got-two-wins-today-rivero-pumuntos-nakaiskor-ng-yes-kay-brillantes/">https://balita.net.ph/2022/04/10/got-two-wins-today-rivero-pumuntos-nakaiskor-ng-yes-kay-brillantes/

Dahil dito, muli na namang naungkat ang gusot sa pagitan nina Andrea, Seth Fedelin, at Francine Diaz, sa isyu ng 'pagseselos'. Naglabas ng IG live si Seth mga bandang 10PM. Bagama't hindi nagbitiw ng mga pangalan, naunawaan ng mga netizen na ang ipinagtatanggol niya ay ang katambal na si Andrea at ang bago nitong karelasyon na si Ricci.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/10/seth-fedelin-nagsalita-na-suportado-ang-relasyon-nina-ricci-at-andrea/">https://balita.net.ph/2022/04/10/seth-fedelin-nagsalita-na-suportado-ang-relasyon-nina-ricci-at-andrea/

Ogie Diaz, pinayuhan ang BINI na 'wag nang mag-Jabbawockeez ulit

Kinabukasan, si Andrea naman ang nagsagawa ng IG Live. Dito, inamin niya na nagkaroon sila ng relasyon ni Seth ngunit nagkahiwalay na sila at mutual decision naman daw ito. Inamin niyang nagselos siya sa kanila ni Francine nang makita niya ang mga litrato nilang magkasama sa bahay nito, na ibinahagi ng nanay nitong si Merdick Diaz.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/12/andrea-brillantes-binasag-na-ang-katahimikan-tungkol-sa-kanila-ni-seth-fedelin/">https://balita.net.ph/2022/04/12/andrea-brillantes-binasag-na-ang-katahimikan-tungkol-sa-kanila-ni-seth-fedelin/

Pinabulaanan naman niya ang mga kumalat na isyung sinugod niya sa dressing room ng ABS-CBN si Francine, sa kasagsagan ng kanilang Christmas Special, na naunang naispluk ni showbiz columnist Ogie Diaz.

Inamin din niya na kamuntik na pala niyang makasuhan ang showbiz columnist tungkol dito.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/13/andrea-brillantes-binalak-kasuhan-si-ogie-diaz-talent-manager-nag-react/">https://balita.net.ph/2022/04/13/andrea-brillantes-binalak-kasuhan-si-ogie-diaz-talent-manager-nag-react/

Nang sumunod na mga araw, naglabas ng kaniyang matapang na pahayag sa social media ang nanay at pinsan ni Francine, laban kina Andrea at Seth.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/12/nanay-ni-francine-nanggalaiti-kina-andrea-at-seth-wag-pilitin-maubos-pasensya-ko-sa-inyo/">https://balita.net.ph/2022/04/12/nanay-ni-francine-nanggalaiti-kina-andrea-at-seth-wag-pilitin-maubos-pasensya-ko-sa-inyo/

Hindi rin nagpahuli ang kapatid ni Francine na si Chantal at ipinagtanggol ang nakababatang kapatid. Akala raw niya, lilinisin nina Andrea at Seth ang pangalan ni Francine, pero mga sarili lang daw nila ang dinepensahan nila.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/13/hoping-for-blythe-and-seth-to-clear-it-for-chin-but-they-saved-themselves-ate-ni-francine/">https://balita.net.ph/2022/04/13/hoping-for-blythe-and-seth-to-clear-it-for-chin-but-they-saved-themselves-ate-ni-francine/

Kaya naman, isa sa mga nagbigay ng reaksyon dito ang self-proclaimed 'Queen Sawsawera' na si RR Enriquez.

"I think as a human being and as a mom. It is normal na magalit ka and mainis din sa kaaway ng anak mo or nang away sa anak mo," pahayag ni RR sa kaniyang Instagram post noong Abril 15, 2022.

"Pero ang hindi normal is yung magpapaka-JOLOGS ka at pumatol! Worst manakot at mag-post sa social media! Especially na public figure ang anak mo."

"I remember before yung Nanay ko mahilig pumatol sa ganyan, inaaway mga basher ko. Partida I’m not famous pero may basher CHAROT."

"I’m so glad eversince bata ako alam ko kung paano sumagot lalo if alam ko na tama ako. So I told my Mom na huwag makisali. Huwag patulan ang mga bashers ko. Jologs na nga ako tapos jologs pa siya so paano na CHAROT."

"So what more si Francine? Na kahit anong ganda, bait at finessed niya, may maghi-hate at maghi-hate diyan. Minsan nga kapwa artista maiinggit sa'yo."

Naniniwala si RR na magkakaayos pa ang dalawa.

"I believe Andrea and Francine are Bff’s and to my understanding bilang maRRites ako at nanood ng Live. Andrea apologized already.

"I agree with her na valid yung nafeel niya that time dahil result lang 'yon ng actions ni Francine. Of all people I assumed Francine was the one na nakakaalam ng pinagdadaanan nina Andrea and Seth during that time pero nag-post pa rin siya which start the fire? Wala naman mangyayaring gulo kung hindi siya nag-post right? Correct me if I’m wrong?"

"Francine's family should have cleared their side of the story instead yung Mom niya mananakot pa sa social media na kesyo 'Magkaalaman."

Dapat raw, si Francine mismo ang gumawa ng opisyal niyang pahayag dahil siya lamang ang makapagsasabi ng kaniyang saloobin tungkol sa isyu. 'Manahimik' na lamang daw ang nanay.

"Actually dapat Francine should have made a statement herself kasi siya ang mas nakakaalam talaga tapos ang nanay manahimik."

"May mali sila parehas but Andrea own up her mistakes already. So how about Francine? I hope she will step out and not hide in her mother's palda? CHAROT! Ayan dadami basher ko. Joke lang yan ha."

Sa huli, pinagdiinan ni RR na walang siyang kinakampihang panig.

"Fyi: Wala ako kinakampihan. Si Andrea pa lang kasi yung nag clear ng air. Sana maging matapang din si Francine to share her side. I thank you Bow."

Samantala, wala pang tugon o pahayag ang mga bagets tungkol dito.