Nanguna ang broadcaster na si Raffy Tulfo bilang top senatorial choice sa Tugon ng Masa survey ng OCTA Research na inilabas noong Linggo, Abril 17.

Isinagawa ang survey noong Abril 2 hanggang Abril 6, 2022 na may 1,200 respondents. Nakakuha si Tulfo ng 68 porsiyento ng voter preference.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang iba pang senatorial candidates na pasok sa Top 13 ay sina:

Dating Department of Public Works and Highways Secretary Mark Villar (59porsiyento);

Antique Rep. Loren Legarda (56porsiyento);

Senador Juan Miguel Zubiri (54 naporsiyento);

Sorsogon Gov. Francis Escudero (50porsiyento);

Taguig City-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano (48porsiyento);

Aktor Robin Padilla (44 naporsiyento);

Dating Vice President Jejomar Binay (42porsiyento);

Dating Senador Jinggoy Estrada (42porsiyento);

Senador Joel Villanueva (41 porsiyento);

Senador Win Gatchalian (39 porsiyento);

Dating SenadorJV Ejercito (36 naporsiyento); at

Senador Risa Hontiveros (33porsiyento).