Aktibong sinuyod ni Kuh Ledesma ang isang palengke sa Tagaytay para ikampanya ang kandidatura ni Vice President Leni Robredo at Kiko Pangilinan.
Sa isang Facebook video, maliban sa campaign paraphernalia na personal niyang ipinamamahagi, makikitang ipinamimigay din ni Kuh ang prayer booklets.
“We may overlook it in this day and age, but let us remember the most important tool that can influence the outcome of this election: PRAYER. That's why we are giving out these prayer booklets printed through our own efforts--because we truly believe in the POWER OF PRAYER,” mababasang saad ni Kuh sa isang Facebook post, Lunes.
Mababasa aniya sa prayer booklet ang salvation prayer para sa bansa at dasal para rin sa nalalapit na botohan sa Mayo.
Pagbabahagi ng OPM veteran, may personal na liham din siyang ipinamamahagi na naghahayag ng kanyang mga dahilan kung bakit si Robredo ang kanyang napiling manok sa eleksyon.
“I also made a special letter attached to the booklet as to why I am voting for Leni Robredo. I will post my letter in my socials in the coming days. Tomorrow we will be doing a Palengke tour of Mahogany Market in Tagaytay. May God bless and prosper us all.”
Aktibo ring nakasama sa ilan nang campaign sorties sa iba’t ibang bahagi ng bansa si Kuh.