Inanunsyo ng Department of Education (DepEd) na walang pasok ang mga mag-aaral sa lahat ng antas sa mga pampublikong paaralan mula Mayo 2 hanggang Mayo 13, 2022.

(DepEd)

Ayon sa DepEd Order Nop. 29, s. 2021, ang mga nasabing araw ay inilaan para sa National Election-related Activities ng mga guro at kawani ng DepEd.

National

Ex-Pres. Duterte, ikakampanya si Quiboloy: 'Marami siyang alam sa buhay!'

Gayunman, kung walang gawain na tungkol sa eleksyon inaasahan pa rin na mag-report ang mga guro sa paaralan.

Sa Mayo 9, 2022 nakatakda ang National at Local elections.

Kung may katanungan o paglilinaw, maaari ring makipag-ugnayan sa DepEd Public Assistance and Action Center (PAAC) sa (02) 8636-1663 at 8633-1942.