Maaapektuhan ng water service interruption ang Bulacan at siyam na lugar sa Metro Manila na tatagal hanggang Abril 30, ayon sa pahayag ng Maynilad Water Services, Inc. (MWSI) nitong Lunes.

Ipinaliwanag ng MWSI na bukod sa Bulacan, apektado na rin ng water service interruption ang Caloocan, Makati, Malabon, Maynila, Navotas, Parañaque, Pasay, Quezon City at Valenzuela.

Sinabi ng nasabing kumpanya, ibabalik na sana nila ang normal na supply ng tubig sa West Zone ng Metro Manila noong Abril 15, gayunman, hindi na nila ito nagawa dahil sa mataas na demand nito dulot ng mainit na panahon.

Tiniyak din ng kumpanya na magtatagal hanggang katapusan ng Marso ang nararanasang kakapusan sa suplay ng tubig.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Nanawagan din ang MWSIsa mga residente ng nasabing mga lugar na mag-ipon muna ng tubig hangga't hindi pa bumabalik sa normal ang supply nito.