KALINGA - Inaresto ng pulisya ang isang estudyanteng pinaghihinalaang drug pusher sa ikinasang buy-bust operation sa Tabuk City kamakailan.

Nasa kustodiya na ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) na pinamumunuan ni Maj. Dominic Rosario, ang suspek na nakilalang siJay-Boy Agyao Amangan, 22, at taga-Sitio Pakak, Barangay Agbannawag, Tabuk City.

Naiulat na dinakip ng pulisya at ng mga tauhan Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Cordillera si Amangan matapos bentahan ng marijuana bricks ang isang police poseur-buyer sa Sitio Pacak, Agbannawag nitong Abril 17 ng umaga.

Nasamsam sa suspek ang 10 bricks ng marijuana dried leaves na tinatayang aabot sa 10,000 gramo at nagkakahalaga ng ₱1,200,000.00,p marked money, isang motorsiklo, at isang cellular phone.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Inihahanda na ng pulisya ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa suspek.