Ibinahagi ng premyadong aktor at host na si Edu Manzano ang 'media advisory' ng mga 'Mga Gwapo for Leni' dahil sa pagbibiro ng mga ito kay Ultimate Heartthrob Piolo Pascual, na isang certified Kakampink.

Nakalagay sa media advisory na muntik na rin umano silang magpa-presscon dahil nang lumabas daw si Piolo bilang Kakampink ay nasapawan o nahigitan na sila. Nilagyan niya ito ng emojis na umiiyak sa katatawa.

"Muntik na po kaming mag-presscon. Kasi simula nang lumabas 'yang si Piolo Pascual for Leni Robredo nasapawan na kami. Mas maraming kinilig at tumili para sa kaniya," saad sa art card. 

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

"Pero bago namin bayaran ang downpayment sa Manila Pen, napaisip kami, baka mabawasan ang fan base namin pag ipilit pa namin ang aordinaryo naming kagwapuhan sa mala-anghel niyang kaguwapuhan."

"Kaya hindi namin itinuloy ang presscon dahil tinanggap namin na hindi kami si Piolo Pascual. Na kami'y mga ordinaryong guwapo lang at dapat matuwa na kami sa mga fans namin sa aming barangay, sitio, purok, at subdivision."

"Masaya na kami doon at tanggap namin ito. Mas gwapo samin si Piolo Pascual."

"BTW, hindi ito tungkol kay Piolo Pascual ha?! Gusto lang namin tapusin ang kampanya. Bitterly yours, Mga Gwapo For Leni."

Bukod kay Edu, makikitang ibinahagi rin ito sa opisyal na Twitter account ni Piolo Pascual.

Ayon sa mga netizen, ito ay satirikal na patutsada umano sa naganap na 'Unity joint press conference ng mga presidential at vice presidential candidates na sina Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso, Senador Panfilo Lacson, dating Defense Secretary Norberto Gonzales, Doc Willie Ong, at Senate President Tito Sotto III, nitong Easter Sunday, Abril 17, sa The Peninsula Manila Hotel o Manila Pen. Kasama umano nila si Senador Manny Pacquiao subalit hindi nakadalo sa naturang press conference.

Dito ay ipinahayag nila na hindi umano sila aatras sa kanilang laban bilang kandidato sa pagkapangulo at pagkapangalawang pangulo. Kinondena rin umano nila ang isang kampo na nakikiusap umano sa kanilang umatras na lamang. Mula umano ito sa kampo ng kaisa-isang babaeng katunggali na si Vice President Leni Robredo.

Hindi rin umano katiwa-tiwala si VP Leni na noong una ay nagpahayag nang hindi tatakbo sa pagkapangulo, subalit binawi rin naman noong Oktubre 2021.

Nanawagan din sila na mag-withdraw na lamang o umatras si VP Leni sa laban, kaya nabuo at trending ang hashtag na "#WithdrawLeni".