Magpapatupad ang mga kompanya ng langis sa bansa ng panibagong dagdag-presyo sa kanilang produktong petrolyo sa Abril 19 matapos ang tatlong bugso lamang ng bawas-presyo ngayon taon.
Pinangunahan ng Pilipinas Shell dakong 6:00 ng umaga ng Martes, ang pagtataas ng P1.70 sa presyo ng kada litro ng diesel, at P0.45 naman sa presyong gasolina at kerosene nito.
Ito ay agad na sinundan ng iba pang kumpanya sa pagpapatupad ng kaparehong taas-presyo sa petrolyo.
Ang bagong price increase ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado.
Nitong Marso 29, huling nagtaas ng P9.40 ang presyo ng kerosene, P8.65 sa presyo ng diesel at P3.40 sa presyo ng gasolina.