Tila may pinariringgan ang Kapuso singer na si Aicelle Santos sa kaniyang social media accounts nitong Easter Sunday, Abril 17, 2022.
Aniya, "What did we get from the presscon? Itlog. Happy Easter!"
Bagama't wala siyang binanggit kung anong presscon ito, naging maagap naman ang mga netizen na ang tinutukoy umano niyang presscon ay ang Unity joint press conference ng mga presidential at vice presidential candidates na sina Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso, Senador Panfilo Lacson, dating Defense Secretary Norberto Gonzales, Doc Willie Ong, at Senate President Tito Sotto III, nitong Easter Sunday, Abril 17, sa The Peninsula Manila Hotel o Manila Pen. Kasama umano nila si Senador Manny Pacquiao subalit hindi nakadalo sa naturang press conference.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/17/domagoso-she-said-that-she-will-never-run-for-president-that-kind-of-person-cannot-be-trusted/">https://balita.net.ph/2022/04/17/domagoso-she-said-that-she-will-never-run-for-president-that-kind-of-person-cannot-be-trusted/
Dito ay ipinahayag nila na hindi umano sila aatras sa kanilang laban bilang kandidato sa pagkapangulo at pagkapangalawang pangulo. Kinondena rin umano nila ang isang kampo na nakikiusap umano sa kanilang umatras na lamang. Mula umano ito sa kampo ng kaisa-isang babaeng katunggali na si Vice President Leni Robredo.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/17/domagoso-sa-joint-press-conference-hinding-hindi-kami-magbibitiw-sa-kampanya/">https://balita.net.ph/2022/04/17/domagoso-sa-joint-press-conference-hinding-hindi-kami-magbibitiw-sa-kampanya/
Nanawagan din sila na mag-withdraw na lamang o umatras si VP Leni sa laban, kaya nabuo at trending ang hashtag na "#WithdrawLeni".
Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/17/mayor-isko-i-am-calling-for-leni-to-withdraw-whatever-you-are-doing-is-not-effective-against-marcos/">https://balita.net.ph/2022/04/17/mayor-isko-i-am-calling-for-leni-to-withdraw-whatever-you-are-doing-is-not-effective-against-marcos/
Samantala, narito naman ang reaksyon at komento ng mga netizen tungkol sa patutsada ni Aicelle.
"Miss Aicelle, ayun nalaman po namin na inofferan pala sila ng kampo ng bise presidente para umatras sa laban. Kaya ang word of the day is 'withdraw'. Happy easter!"
"Agree… waste of time… sour grapes lang nila Isko at Ping."
"Yes Itlog kasi literal na lalaki sila at least nagpakalalaki. Mapanirang Len-len. maging huwaran sana siya sa lahat ng kabataan."
"Actually, wala. They just want to inform the public na kasama rin sila sa sampung presidential aspirants."
"Like your performances, itlog."
"Miss Aicelle wag n'yo po naman isama sa politics yung Easter Sunday natin… iba po 'yun sa Easter Sunday natin…"
Matatandaang naging trending din si Aicelle nang tila may pasaringan siya matapos niyang magbayad ng buwis. Ayon sa kaniyang Facebook post noong Nobyembre 22, 2021, kababayad lamang daw niya ng buwis, at sana raw ay maramdaman niya ito at huwag lamang ibulsa dahil lamang sa korapsyon.
"Kakabayad lang ulit ng tax. Haaay sana nararamdaman natin ang buwis na binabayad! Eh binubulsa lang naman nila!" matapang niyang pahayag.
Kaya paalala niya sa mga botante, sana raw ay piliin ang kandidatong hindi magnanakaw at walang kasaysayan ng pagnanakaw ang pamilya, bagama't wala naman siyang pinangalanan.
"Kaya next year PLS LANG, WAG boboto ng magnanakaw o may history sa pamilya ng magnanakaw dahil lilimasin lang nila ang natitirang lakas at pinaghihirapan ng Pilipino!"
Dahil maraming nag-react sa kaniyang Facebook post na umani ng iba't ibang mga papuri at batikos, nagbigay pa ng update si Aicelle. Aniya, in general naman ang sinabi niya at wala naman siyang pinatutungkulang kahit sino. Matagal na umanong problema sa bansa ang katiwalian.
Wala pa rin siyang ineendorsong kandidato dahil hanggang ngayon ay hindi pa siya desidido kung sino ang ikakampanya niya.
"P.S. (update) Nakakatawa! Ang daming nagreact! Guys, i'm not endorsing anyone. I don't have my final candidates yet, FYI! But this has been a general personal sentiment for several years now," aniya.
Kung ayaw daw ng ilang mga netizen ang tungkol sa kaniyang post, may hamon siya sa kanila:
"Nagra-rant tayo dahil may karapatan tayong magsalita. Now if you do not like my post, you're very welcome to unfollow!"
Basahin: https://balita.net.ph/2021/11/22/aicelle-santos-may-pasaring-huwag-boboto-ng-magnanakaw-o-may-history-sa-pamilya-ng-magnanakaw/">https://balita.net.ph/2021/11/22/aicelle-santos-may-pasaring-huwag-boboto-ng-magnanakaw-o-may-history-sa-pamilya-ng-magnanakaw/
Marami ang nagulat sa matapang na FB post ni Aicelle dahil tila ngayon lamang siya nagsalita nang ganito sa social media.
Si Aicelle Santos ay isa sa mga singers sa GMA Network na nakilala sa singing reality show na 'Pinoy Pop Superstar', at naging bahagi ng trio na 'La Diva' kasama sina Jona Viray at Maricris Garcia.