Ibinahagi ni vice presidential candidate Walden Bello sa kanyang Twitter account na hindi raw sila aatras ng kanyang running mate na si Ka Leody de Guzman... sa haluhalo.
"Di rin kami aatras... sa Halo Halo," saad ni Bello na may kalakip na larawan kasama si Ka Leody na may hawak na halo-halo.
Kasalukuyan silang nasa Brgy. Lemsnolon, South Cotabato upang bisitahin ang mga Tboli habang ginaganap kanina ang joint press conference ng tatlong presidential candidate.
"While other candidates were meeting to declare nothing, we were consulting with the Tboli people on what they want from public officials,'" aniya.
"Ka Leody was the first presidential candidate to meet with the Tboli people here in Brgy Lemsnolon," dagdag pa nito.
Nauna na ring nag-tweet si Ka Leody tungkol sa kaganapan sa Manila Peninsula kung saan ginanap ang joint press conference.
“Masarap ang haluhalo dito sa South Cotabato pero di singmahal ng haluhalo sa Manila Pen. Ano bang kaguluhan doon ngayon?” patutsada ni Ka Leody habang kumakain ng haluhalo.Basahin:https://balita.net.ph/2022/04/17/ka-leody-walden-bello-kumain-ng-haluhalo-unbothered-sa-mga-kaguluhan-sa-manila-pen/