Naganap na ang joint press conference nina Senador Panfilo Lacson, Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, at dating Defense Secretary Norberto Gonzales, kasama ang kanilang mga running mates na sina Doc Willie Ong at Senate President Tito Sotto III, nitong Easter Sunday sa 'The Peninsula Manila Hotel'.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/17/domagoso-sa-joint-press-conference-hinding-hindi-kami-magbibitiw-sa-kampanya/">https://balita.net.ph/2022/04/17/domagoso-sa-joint-press-conference-hinding-hindi-kami-magbibitiw-sa-kampanya/

Hindi nakadalo rito si Senador Manny Pacquiao bagama't kasama umano siya sa mga lumagda sa joint statement na binasa ni Yorme Isko.

Bago magsimula ang nasabing press conference, binasa ni Mayor Isko ang kanilang joint statement.

“Higit pa man sa resulta ng isang halalan, mas pinaiiral natin ang kalayaan ng ating taumbayan na pumili ng kanilang magiging lider,” ani Mayor Isko habang binabasa ang statement.

“Nais naming makadaupang-palad ang ating mga kababayan, alinsunod sa kagustuhan nilang mas lalo pa kaming makilala bilang mga kandidato. Sa halip na kami ay malayo sa kanila sa pamamagitan ng prosesong pang electoral, magkaroon ng pagkakaisa tungo sa pagnanais na kung ano ang kakahinatnan ng ating bansa.

“Kasama kami sa kagustuhan ng ating mga kababayan na magkaroon isang diwa ng pagsasama-sama na mananaig sa umiiral na bangayan at personal na misyon upang yakapin ang pagkakaisa para sa ikabubuti ng lahat na hindi lamang mga kataga o bukambibig ang politika.

“Kami ngayon ay nangangako, una, maninilbihan sa pamahalaan na kung sinuman ang mapipili sa amin ng ating taumbayan na magiging susunod na pangulo at kami ay magsasanib-pwersa ang anumang pagtatangka na baluktutin ang totoong pagpapasya ng taumbayan sa pamamagitan ng paggalaw ng hindi kanais-nais o ‘di kaya paglilimita sa malayang pagpili ng ating mga kababayan.”

Binigyang-diin ni Domagoso na hinding-hindi sila magbibitiw sa kanilang kandidatura.

“At higit sa lahat, hinding-hindi kami magbibitiw sa kampanya. Ang Bawat isa sa amin ay magpapatuloy sa aming sariling kandidatura upang maging karapat-dapat na piliin ng sambayanang Pilipino,” aniya.

Samantala, nanawagan din si Yorme Isko na mag-withdraw na sa laban si Vice President Leni Robredo at lumutang ang hashtags na "#WithdrawLeni," at "SwitchToIsko". Nabanggit ni Domagoso ang tungkol sa umano'y "supreme sacrifice."

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/17/panawagan-kay-vp-leni-now-were-calling-be-a-hero-withdraw-leni/">https://balita.net.ph/2022/04/17/panawagan-kay-vp-leni-now-were-calling-be-a-hero-withdraw-leni/

"If they are calling for a supreme sacrifice, the yellow-pink are calling for supreme sacrifice katulad nung sinasabi ni Secretary Norberto Gonzales when somebody talk to him, edi ang pinaka supreme sacrifice… if you're not a good player to win then you pay the supreme sacrifice you withdraw," ani Mayor Isko.

"The same challenge that they are giving us, to Senator Ping, to Secretary Norberto Gonzales, to Senator Pacquiao now we're calling 'Be a hero. Withdraw, Leni'" dagdag pa niya.

Iginiit din ni Mayor Isko na hindi raw mapagkakatiwalaan si VP Leni dahil nagsabi na ito noon na hindi ito tatakbo sa pagkapangulo, subalit binali umano nito ang mga naunang pahayag.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/17/domagoso-she-said-that-she-will-never-run-for-president-that-kind-of-person-cannot-be-trusted/">https://balita.net.ph/2022/04/17/domagoso-she-said-that-she-will-never-run-for-president-that-kind-of-person-cannot-be-trusted/

Sinegundahan naman ito ng director general ng Film Academy of the Philippines na si Vivian Velez sa kaniyang sunod-sunod na Facebook post. Kilala si Vivian bilang tagasuporta ni Mayor Isko. Ang sinusuportahan naman niyang pangalawang pangulo ay si UniTeam vice presidential candidate at Davao City Mayor Sara Duterte.

Pinangalanan ni Vivian na ang tinutukoy umano na nagpapaatras sa kanila ay kampo ni Vice President Leni Robredo, bagama't ayon kay Senador Lacson, mga tagasuporta ni VP Leni ang talagang nagsasabi nito.

"'Be a hero. Withdraw, Leni.'"

"'If you are not a good player, you play the supreme sacrifice, you withdraw,' Moreno says."

"Sen. Ping Lacson, Noberto Gonzales says it was the camp of Robredo who asked them to withdraw," pahayag ni Vivian.

Sa isa pang FB post, bumira pa ang aktres.

"From the 'unity' presscon… Leni camp asked most of the presidential candidates to do the 'supreme sacrifice' by withdrawing their candidacy. Watch how the pinklawans will try to spin this revelation. Pink/Yellow Ad Hominem starts now. #bukingsilutang #LeniWithdraw."

Screengrab mula sa FB/Vivian Velez

Ibinahagi rin ni Vivian ang isang art card na naglalaman ng resulta ng Social Weather Station o SWS pre-election survey kung saan 57% ang nakuhang trust rating ni Isko samantalang 46% naman si BBM. Isinagawa umano ito noong Enero 28 hanggang 31, na isang national survey.

May be an image of 2 people and text that says 'DOMAGOSO 57% MARCOS 46% SOCIAL WEATHER STATIONS Founded 1985 Statistics for Advocacy JANUARY 2022 PRE-ELECTION SURVEY JANUARY 28- 31, 2022 NATIONAL SURVEY Trust in Presidentia Candidate'
Screengrab mula sa FB/Vivian Velez