May patutsada rin si dating Senador Antonio Trillanes IV sa naganap na joint press conference ng mga presidential aspirants na sina Senador Panfilo Lacson, Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, at dating Defense Secretary Norberto Gonzales ngayong Linggo ng Pagkabuhay, Abril 17.

https://twitter.com/TrillanesSonny/status/1515552722388324355

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

"Alam n’yo na ngayon kung bakit pinipigilan ko ang unification talks ni VP Leni sa mga ‘yan before the filing," saad ng senador sa kanyang tweet.

"Hindi tayo parehas ng paniniwala sa mga ‘yan. Tuloy ang laban para sa #TeamLeniKiko!" dagdag pa niya.

May kalakip din itong #SwitchToLeni.

Matatandaang binalaan na niya si Vice President Leni Robredo tungkol sa mga unity talks noon lalo na kay Mayor Isko Moreno Domagoso. Sinabi niya noon na "danger zone" ang pagkakaisa sa alkalde.

“That’s precisely the reason why we were sounding the alarm bells when VP Leni considered to unite or align with Mayor Isko. We saw it as a danger zone,” aniya noong nakaraang taon.