Kilala man ang kanyang boses na nagbigay buhay sa kantang "Never Enough" sa pelikulang "The Greatest Showman," ngayon lang humarap sa spotlight ang American singer-songwriter na si Loren Allred.

Hindi makapaniwala ang mga hurado na sina Simon Cowell, Heart Breakfast DJ Amanda Holden, singer Alesha Dixon at komedyanteng si David Walliams sa pagsabak ni Loren sa pinabagong edisyon ng Britain's Got Talent.

Tanging "Oh my God" lang ang nasambit ng huradong si Simon at Amanda nang sabihin ni Loren na siya ang boses sa likod ng Billboard Hot 100 chart-topper na "Never Enough" sa 2017 music film na Greatest Showman tampok sina Hugh Jackman, Zac Efron, Michelle Williams, Rebecca Ferguson, Zendaya, at Keala Settle.

“I was hired to do the reference vocals for the actresses so they could learn the songs and so they had me coming to sing Never Enough,” pagbabahagi ni Loren at idinagdag na ang aktres na Rebecca ang nagrekomenda na siya mismo ang kumanta sa platinum hit.

Human-Interest

Higanting coral, naispatan; mas malaki pa raw sa blue whale?

Sa kanyang paglabas sa BGT, handa na si Loren na bigyan ng bagong mukha ang sikat na kanta.

Sa kanyang madamdaming pag-awit ng parehong kanta sa audition, agad na pinalakpakan at nagtayuan ang audience para sa 32-anyos na mang-aawit.

Makikita rin sa ekspresyon ng mukha ng mga hurado ang pagkamangha ng mga ito sa singing act ni Loren na sa dulo'y nakakuha rin ng apat na standing ovation.

Agad na binitbit ni Loren ang unang golden buzzer ng BGT 2022 edition sa paniniwala ni Amanda sa talento ni Loren. Naniniwala rin si Simon na ito ang panahon ni Loren para makilala ng industriya.

Sikat na kanta sa Pilipinas ang Never Enough kung saan ilang premyadang Pinay divas ang nagbigay ng sarili nitong rendition sa kanta kabilang sina Asia's Phoenix Morissette Amon, Asia's Fearless Diva Jona Viray, Suklay Diva Katrina Velarde at Asia's Songbird Regine Vleasquez-Alcasid.

Noong Nobyembre 2021, matatandaang nagbigay din ng bagong tunog si Loren sa timeless hit ni Songbird na "Araw-Gabi" sa pamamagitan ng Filipino-American music producer na si Troy Laureta.

Basahin: ‘Never Enough’ singer na si Loren Allred, ni-record ang anong kanta ni Regine Velasquez? – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid