Nakikiisa ang mga kasapi ng Kamara sa buong bansa at sa mundo sa pagdiriwang ng pinakadakilang araw ng pananampalatayang Katoliko.
"The Lord is risen; let us rejoice and be glad!" ani Velasco sa kanyang mensahe.
"We join the nation and the rest of the world in celebrating the holiest of days on the Christian calendar: the resurrection of Jesus Christ and the gift of eternal life that is granted to all who believe in Him," dagdag pa niya.
Ayon pa sa kanya ilang araw na lang at idaraos na ang halalan sa bansa, hiniling niya na bigyan ng Diyos ng tamang gabay at desisyon ang mga Pilipino sa pagpili sa mga lider na tunay na nagmamahal at maglilingkod para sa bansa.
"Dumalangin tayo sa Diyos na manaig ang kanyang kagustuhan at ng mga mamamayang Pilipino. Sana ang resulta ng eleksyon ay ang tunay na kagustuhan at adhikain ng mga tao," anang Speaker.
"Let us pray that the will of God and the Filipino people will truly reflect the outcome of the forthcoming elections.
"May the miracle of Christ's resurrection fill our hearts with love, hope and joy. Happy Easter to all!"