Tulad ng kanyang running mate na si presidential aspirant Bongbong Marcos Jr., nanguna rin si Davao City Mayor Sara Duterte sa vice presidential survey ng OCTA Research na inilabas nitong Linggo, Abril 17.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/17/marcos-nananatiling-top-presidential-choice-domagoso-at-robredo-parehong-2nd-choice/

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Sa Tugon ng Masa survey results makikitang nakakuha ng 57 porsiyento si Duterte at sinundan naman ito ni Senate President Vicente Sotto III na 23 porsiyento.

Pangatlo naman si Senador Kiko Pangilinan na may 12 porsiyento. Nasa ikaapat at ikalimang puwesto naman sina Doc Willie Ong na may pitong porsiyento at Deputy Speaker Lito Atienza na may 0.7 porsiyento, ayon sa pagkakasunod-sunod.

Ang iba pang vice presidential candidate ay sina Manny Lopez, 0.1 porsiyento; Walden Bello, 0.1; Rizalito David, 0.02 porsiyento, at walang nakuhang porsiyento si Carlos Serapio.

Ang naturang survey ay isinagawa noong Abril 2 hanggang Abril 6, 2022. Mayroon itong 1,200 na respondents na may edad 18 taong gulang pataas na registered voters. 

Mayroon naman itong margin of error na tatlong porsiyento.