Muling tumindig ang Filipino band na Rivermaya kasama ang pop rock singer-songwriter na si Yeng Constantino para #LeniLiwanagSaDilim, isang rendisyon na kung saan ay ikinakampanya si Bise Presidente Leni Robredo.

"Sa pagkakaisa nating mga Pilipino, mapagtatagumpayan natin ang anumang pagsubok na dumating. Sa ilalim ng isang mahusay at matapat na pinuno, lahat tayo magsisilbing Liwanag Sa Dilim! #LeniLiwanagSaDilim," caption ng Rivermaya sa kanilang Facebook post.

National

Dahil sa bagyong Nika: Catanduanes, itinaas sa Signal #1

Tampok sa bagong rendisyon ng kanta ang iba't-ibang sektor ng lipunan na sumusuporta sa kay Robredo tulad ng artista, volunteers, drivers, mga tumawid mula sa ibang kandidato na ngayon ay Leni supporters, miyembro ng LGBTQIA, advocates, mga ina, bikers, senior citizens, persons with disabilities (PWDs), film workers, first time voters, K-pop fans, labor leader, frontliners, non-government office (NGO) workers.

Ilang kilalang pangalan rin ang nagsalita sa music campaign kung bakit si Robredo ang dapat na mamuno sa Pilipinas.

"Pangarap ko para sa Pilinas? Isang lider na hindi ka iiwan," ani ng aktres na si Angel Locsin.

"Naniniwala ako na mas marami pa ring bagay ang magbubuklod sa atin kaysa sa ating pagkakaiba," ani Piolo Pascual.

Para naman sa anak ni Robredo na si Aika, dapat hindi pangarap ang mga pangakong tulad ng hustisya, trabaho, pagkain, edukasyon, maayos na kalusugan, bahay na masisilungan. Kaya naman, aniya, kaya dapat ang publiko ay lumalaban.

Isa rin sa bida sa music campaign ay ang estudyanteng si JD, na kung saan ay sinabi niyang ang kinabukasan ng tulad nilang mga kabataang mag-aaral ay nakasalalay sa boto ng taumbayan. "Gusto ko lang naman ng mas maayos na bayan."