Matapos ang joint press conference ng mga presidential at vice presidential candidates na naganap ngayong Easter Sunday, Abril 17, 2022 sa The Peninsula Manila Hotel, kaagad itong pinag-usapan sa social media at hindi naman naiwasan ng ilang mga personalidad na magbigay ng reaksyon, lalo na ang mga certified Kakampink.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/17/domagoso-sa-joint-press-conference-hinding-hindi-kami-magbibitiw-sa-kampanya/">https://balita.net.ph/2022/04/17/domagoso-sa-joint-press-conference-hinding-hindi-kami-magbibitiw-sa-kampanya/

Isa kasi sa mga naging panawagan ay mag-withdraw o umatras na ang kaisa-isang babaeng kandidato sa pagkapangulo na si Vice President Leni Robredo.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/17/panawagan-kay-vp-leni-now-were-calling-be-a-hero-withdraw-leni/">https://balita.net.ph/2022/04/17/panawagan-kay-vp-leni-now-were-calling-be-a-hero-withdraw-leni/

Kaagad namang nagbigay ng kaniyang reaksyon ang showbiz columnist na si Ogie Diaz.

"Dito mo talaga mararamdamang malakas si VP Leni. Pinagtutulungan na siya ng mga 'fans'. #2 lang yan sa survey ha?" pahayag ni Ogie sa kaniyang Facebook post nitong hapon, Abril 17.

Screengrab mula sa FB/Ogie Diaz

Sa kaniyang tweets naman, 'natatangahan' umano siya sa ideya na si VP Leni ang pinupuntirya nila.

"Ang tanga lang. Si VP Leni ang binabalbakan nila eh number 2 nga lang sa survey. Uy, di naman dalawa ang mananalong presidente, mga tsong. #LeniRobredo2022," aniya.

https://twitter.com/ogiediaz/status/1515556067610046464

Sa isa pang tweet, binanggit niya na kilala niya ang isang manunulat sa dalawang tabloid na puro imbento lamang daw ang mga ginagawang balita tungkol kay VP Leni. Niretweet niya ang 'fact check' ng ABS-CBN reporter na si Jervis Manahan tungkol sa sinabi umano ni VP Leni na magkakagulo kapag hindi siya nanalo sa eleksyon.

https://twitter.com/ogiediaz/status/1515560597819203585

"I know the reporter from People’s Journal and People’s Tonight. Puro imbento ke VP Leni ang sinusulat. Klasmeyt ko sister niya na isang Leni supporter," pahayag ni Ogie.