Nanguna muli bilang top presidential choice si presidential aspirant at dating Senador Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. habang second choice naman sa pagka-pangulo sina Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at Vice President Leni Robredo sa Tugon ng Masa survey ng OCTA Research na inilabas nitong Linggo, Abril 17.
Sa inilabas na Tugon ng Masa survey results nanguna si Marcos na may 57 porsiyento. Sinundan naman ito ni Robredo na may 22 porsiyento.
Pumangatlo naman si Domagoso na may siyam na porsiyento habang hindi naman nalalayo ang pitong porsiyento ni Senador Manny Pacquiao.
Nakakuha ng apat na porsiyento si Senador Panfilo Lacson, Isang porsiyento kay dating presidential spokesman Ernesto Abella; 0.1 porsiyento kay Faisal Mangondato at Labor leader Ka Leody de Guzman, at 0.001 kay dating Defense Secretary Norberto Gonzalez.
Samantala, parehong nakakuha ng 13 porsiyento nina Domagoso at Robredo bilang second choice sa pagka-pangulo.
Halos isang porsiyento ang pagitan nilang dalawa kay Senador Manny Pacquiao na may 12 porsiyento na sinundan ni Marcos na may 10 porsiyento.
Pitong porsiyento naman ang nakuha ni Lacson, dalawang porsiyento kay de Guzman, 0.4 porsiyento si Mangondato, 0.1 porsiyento sina Gonzales at Abella, at 0.01 si Montemayor.
Ang naturang survey ay isinagawa noong Abril 2 hanggang Abril 6, 2022. Mayroon itong 1,200 na respondents na may edad 18 taong gulang pataas na registered voters.
Mayroon naman itong margin of error na tatlong porsiyento.