Matapos magpahayag ng kanilang pagdadalamhati ang mga katrabaho at kaibigan sa ABS-CBN, isa sa mga nagbigay-pugay kay Boyet Sison si Kuya Kim Atienza, ang dating trivia master at weather forecaster ng 'TV Patrol', na ngayon ay nasa katapat nitong news program na '24 Oras' sa GMA Network.

Ayon sa social media posts ni Kuya Kim, si Boyet umano ang nagturo sa kaniya kung paano maglagay ng bow tie. Siya rin ang paborito niyang disco DJ noong dekada 80.

"Alam niyo ba na Boyet taught me how to tie a bowtie the proper way? Alam niyo ba na Boyet Sison was my favorite 80s disco DJ?"

"I love you @boyetjsison rest in peace. We will see each other when my time comes as well."

Tsika at Intriga

Janice, tikom ang bibig sa isyu nina John at Priscilla

"Boyet Sison signing off."

Screengrab mula sa FB/Kim Atienza

May be an image of 1 person and standing
Boyet Sison (Screengrab mula sa FB/Kim Atienza)

Matapos lumipat ni Kuya Kim, si Boyet Sison ang pumalit sa kaniya sa pagbibigay ng trivia sa segment na 'Alam N'yo Ba?' at si Ariel Rojas naman sa ulat-panahon. Nadagdag din sina Marc Logan, Winnie Cordero, at panghuli naman si Migs Bustos na siyang hinihiling ng mga netizen na pumalit sana sa puwesto ni Kuya Kim.

Marami naman sa mga netizen ang nagpaabot ng kanilang pakikiramay sa pamilya ng namayapa.