Tila kalmado lamang at nagmeryenda pa ng haluhalo ang presidential at vice presidential candidates ng Partido Lakas ng Masa na sina Ka Leody De Guzman at Walden Bello habang nagaganap ang joint press conference ng mga katunggali nilang ngayong Easter Sunday, Abril 17, sa The Peninsula Manila Hotel.

Dinaluhan ito nina Senador Panfilo Lacson, Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso, dating Defense Secretary Norberto Gonzales, at kani-kanilang mga running mate na sina Doc Willie Ong at Senate President Tito Sotto III. Hindi naman nakarating si Senador Manny Pacquiao bagama't kasama siya sa mga lumagda sa binasang joint statement.

“Higit pa man sa resulta ng isang halalan, mas pinaiiral natin ang kalayaan ng ating taumbayan na pumili ng kanilang magiging lider,” ani Mayor Isko habang binabasa ang statement.

“Nais naming makadaupang-palad ang ating mga kababayan, alinsunod sa kagustuhan nilang mas lalo pa kaming makilala bilang mga kandidato. Sa halip na kami ay malayo sa kanila sa pamamagitan ng prosesong pang electoral, magkaroon ng pagkakaisa tungo sa pagnanais na kung ano ang kakahinatnan ng ating bansa.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

“Kasama kami sa kagustuhan ng ating mga kababayan na magkaroon isang diwa ng pagsasama-sama na mananaig sa umiiral na bangayan at personal na misyon upang yakapin ang pagkakaisa para sa ikabubuti ng lahat na hindi lamang mga kataga o bukambibig ang politika."

“Kami ngayon ay nangangako, una, maninilbihan sa pamahalaan na kung sinuman ang mapipili sa amin ng ating taumbayan na magiging susunod na pangulo at kami ay magsasanib-pwersa ang anumang pagtatangka na baluktutin ang totoong pagpapasya ng taumbayan sa pamamagitan ng paggalaw ng hindi kanais-nais o ‘di kaya paglilimita sa malayang pagpili ng ating mga kababayan.”

Binigyang-diin ni Domagoso na hinding-hindi sila magbibitiw sa kanilang kandidatura.

“At higit sa lahat, hinding-hindi kami magbibitiw sa kampanya. Ang Bawat isa sa amin ay magpapatuloy sa aming sariling kandidatura upang maging karapat-dapat na piliin ng sambayanang Pilipino,” aniya.

Samantala, mukhang unbothered naman dito sina De Guzman at Bello. Ipinakita pa nila ang pagkain nila ng 'haluhalo' kasama sina Roy Cabonegro at David Angelo. Batay sa kaniyang tweet, nasa General Santos City sila.

"Masarap ang haluhalo dito sa South Cotabato pero di singmahal ng haluhalo sa Manila Pen. Ano bang kaguluhan doon ngayon?" patutsada ni Ka Leody habang kumakain ng haluhalo.

https://twitter.com/LeodyManggagawa/status/1515556193095368709

Agad na nag-trending ang 'Ka Leody' sa Twitter. Narito ang ilan sa mga tweets:

"Be the Ka Leody de Guzman in this world full of Ping, Isko, and Gonzales."

"Payag ba kayo? Ping as DILG Secretary. Isko as Housing Czar. Manny in Dept. of Water. Ka Leody in Labor. Madumb? Nevermind. #WithdrawLeni."

"Anyway if anyone is on the fence, I hope this pathetic display of fragile egos and toxic machismo will show you how incompetent the rest of the field is. There are only 2 candidates. Leni and Ka Leody. Everyone else can fuck off."

"Even if Leni withdraws in the presidential race, Ka Leody is way much better than these men!"

"The fact that Ka Leody is the only other presidential candidate to condemn the sexist attack against Aika Robredo shows the misogynistic tendencies of the other candidates."

Samantala, bukod kay De Guzman, nagpatutsada rin si Bello sa kaniyang tweet.

"Di rin kami aatras… sa Halo Halo," aniya.

https://twitter.com/WaldenBello/status/1515552850851819520