BENGUET - Napatay ang isang pinaghihinalaang drug courier matapos umanong makipagbarilan sa mga pulis sa Mankayan nitong Sabado ng madaling araw.

Binawian ng buhay habang ginagamot saLepanto Consolidated Mining Company Hospital si Crisanto Marcellano, alyas Cris, taga-San Pedro, Laguna, dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, ang insidente ay naganap sa Pas-adan, Barangay Colalo, Mankayan nitong Abril 16 ng madaling araw.

Depensa naman ni Mankayan Police chief, Maj. Wiltz Konrad Sally, naglatag ng checkpoint ang mga tauhan nito sa Sitio Cabatuan, Colalo matapos makatanggap ng impormasyon na isang itim na kotseng may dalang marijuana ang dadaan sa kanilang lugar patungong Mankayan, mula sa Cervantes, Ilocos Sur.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nang papalapit na ang tinutukoy na sasakyan, tinangka umanong parahin ng mga pulis, gayunman, pinaharurot ito ng suspek.

Dahil dito, hinabol ng mga pulis ang suspek at sa hindi kalayuan mula sa isa pang checkpoint ay huminto ang suspek.

Pagbaba ng sasakyan ay bigla umano pinaputukan ang mga pulis na agad namang nakipagbaril hanggang sa bumulagta ang suspek.

Narekober sa lugar ang isang piraso angCal. 9mm pistol; isang bala, isang magazine na may kargang walong bala at isang magazine ng Cal. 9mm pistol.

Sa tulong naman ngRegional Explosives and Canine Unit (RECU)-Cordillera, nasamsam umano sa sasakyan ang limang piraso ng marijuana bricks na nagkakahalaga ng₱600,000.