Dalawa pang meteor shower ang inaasahang magniningning sa kalangitan sa Pilipinas hanggang Abril 25 ngayong taon.

Sa Astronomical Diary ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang meteor shower na Lyrids ay mapapanood sa kalawakan simula Abril 16-25.

" The meteor shower can be observed when Hercules, the meteor shower’s radiant rises at around 9:17 PM nightly and remains active until around 5:14 AM of the following day," ayon sa PAGASA.

Masasaksihan ang pag-ulan ng 18 na bulalakaw kada oras bago sumapit ang mag-madaling araw.

"The value mentioned assumes that the observer is in a clear, dark, moonless sky condition, and the radiant is highest in the sky," ayon sa ahensya.

Ang ikalawang meteor shower na tinatawag na"π-Puppids ay lumalabas sa himpapawid simula Abril 15-28.

"The view of the meteor shower can be observed after sunset until the shower’s radiant sinks towards the horizon around 10:09 PM," dagdag pa ng PAGASA.

ReplyForward