Magkahalong damdamin ang naramdaman ng netizens sa viral story ng isang batang lalaki na nakaligtas sa mapaminsalang landslide sa Baybay City sa Leyte na kumitil ng nasa higit 150 katao.

Nang madatnan ng ilang opisyal ng Baybay City Fire Station – Northern Leyte, unang sinambit ng batang lalaki ang, “Gutom na ‘ko kuya.”

Si SFO2 Romulo Mascarinas ang isa sa mga unang rumesponde sa survivor.

Nang tanungin ng fire officer kung sino ang naging kasama nito sa loob ng ref, isang sagot ang binitawan ng bata habang blangko ang ekspresyon ng mga mata nito.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“Ako na lang wala na ‘kong kasama,” anang bata.

Hindi pa natukoy ang pagkakakilanlan ng bata sa mga ulat ng lokal na awtoridad ngunit agad umano itong pinatawan ng agarang lunas.

Tinatayang nasa 151 katao na mula pa lang sa lungsod ng Baybay ang naitalang nasawi mula Huwebes, Abril 14, ayon sa pagtatala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Nasa kabuuang 167 indibidwal naman ang kumpirmadong death toll ng pananalasa ng Agaton sa pinakahuling ulat ng NDRRMC.

Samantala, tanging ang nakumpirma lang na impormasyon ay kabilang sa nawalan ng mga mahal sa buhay ang batang nakaligtas sa pagkubli nito sa ref, kasagsagan ng pananalasa ni Agaton.

Mensahe ng pasasalamat at suporta sa bata ang bumuhos mula sa mga nakisimpatyang netizens ang mababasa sa comment section ng viral post.

"Praise God. Be strong and be thankful to God. He has a purpose for you to be alive."

"There's always a miracle one way or another our GOD moves in ways way unfathomable!"

"Thanks God! Dili pa tapos iyang mission Diri sa kalibutan, bisan sakit na nawala tanan iyang pamilya 🥲🙏"

Basahin: ‘Agaton’, kumitil ng 167 indibidwal sa pinakahuling ulat ng NDRRMC – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid