Bad news sa mga motorista!
Asahan ang taas-presyo sa produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Magtataas ang diesel mula sa P1.40 hanggang P1.60 kada litro; gasolina, P0.25 hanggang P0.45; at P0.25 hanggang P0.40 naman sa kerosene.
Ang bagong pag-ikot ng pagtaas ng presyo na ipatutupad sa Martes, Abril 19, ay naka-angkla pa rin sa cost movement na nauugnay sa Mean of Platts Singapore (MOPS), ang regional pricing benchmark ay in-adopt ng Philippine oil industry players sa pagpepresyo ng kanilang mga produkto.
Ito na ang ika-13 wave ng pagtaas ng presyo ng petrolyo ngayong taon at batay sa monitoring report ng Department of Energy (DOE), malaki pa rin ang net increase kumpara sa tatlong rounds lamang ng price rollback nitong mga nakaraang linggo.