Upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga survivors kasunod ng Tropical Storm Agaton, umapela ang Philippine Red Cross (PRC) para sa mga cash donation.

Gaya ng naka-post sa Facebook page nito, humihiling ang PRC ng tulong na pera sa pamamagitan ng mga donasyon para sa lokal na pagbili ng pagkain, gamot, sleeping kits, kitchen set, at iba pang mga bagay na hindi pagkain para sa mga nakaligtas na "Agaton".

Nagsasagawa ng disaster response operations ang PRC sa Leyte, Capiz at Iloilo.

Samantala, tiniyak naman ni Chairman at Chief Executive Officer (CEO) Senator Richard “Dick” J. Gordon sa mga Pilipino na magpapatuloy ang PRC sa mga survivors ng “Agaton” sa mahabang panahon hanggang sa makabangon sila.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Larawan mula PH Red Cross

“The Red Cross will be here for the long haul, as usual,” ani Gordon.

Tinulungan ng PRC ang 67 indibidwal na lumikas at nailigtas ang iba pang 99.

Patuloy itong tumutulong sa pamahalaan sa search and retrieval operation sa mga landslide site.

Nitong Sabado, Abril 16, isang water tanker ng PRC ang namahagi ng 59,000 litro ng tubig.

Nagbigay din ang mga boluntaryo at kawani ng edukasyon sa promosyon ng kalinisan para sa 808 tao at mga hand sanitizer sa 97 tao.

Naghain din nghot meal ang mga boluntaryo ng PRC sa 10,758 indibidwal.

Nagbigay sila ng mga ready-to-eat na pagkain sa 100 indibidwal at de-boteng tubig sa 197 tao.

Gayundin, ang mga sinanay na kawani at mga boluntaryo ay nag-facilitate ng psychosocial first aid (PFA) para sa 473 na matatanda at mga aktibidad na pang-bata na dinisenyo bilang PFA para sa 94 na bata.

Larawan mula PH Red Cross

Ang PRC ay mayroong anim na welfare desk sa mga lugar na apektado ng bagyong Agaton.

Sinabi ng PRC na ang mga ambulance team ay naka-deploy din sa mga lugar at nagsilbi sa 736 na indibidwal na kinuha ang kanilang presyon ng dugo, nagbigay ng emergency medical treatment sa 13 tao, at nagdala ng isang pasyente.

Ang mga boluntaryo ng first aid ay gumamot ng pitong indibidwal.

“The Red Cross is doing its very best, alongside the government, to provide relief,” saad ni Gordon.

Merlina Hernando-Malipot