CAMP LT. TODA JR., City of Ilagan -- Nasagip ang isang binata sa pagtatangkang magpakamatay sa pagmamagitan ng pagtalon sa tulay sa Delfin Albano, Isabela.

Kinilala ang binata na si Zian Viloria, 20, mula sa Ineangan, Dupax del Norte, Nueva Vizcaya.

Ang pangkat na pinamumunuan ni Major Richard Limbo, hepe ng pulisya, ay agad na tumugon sa emergency call na may isang lalaki sa tuktok ng tulay na tila wala umano sa kanyang pag-iisip at nakitang umiiyak.

Nakipag-coordinate ang PNP sa rescue team para sa motorboat.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

 

Habang hinihintay ang motorboat bilang tumalon ang lalaki sa tulay.

Hindi nagdalawang-isip ang mga awtoridad na iligtas ang lalaki gamit ang balsa na gawa sa kahoy at matagumpay itong nailigtas. 

Binigyan siya ng paunang lunas at agad na dinala sa ospital para sa atensyong medikal.