Walang inaasahang tropical cyclone na mabubuo malapit o sa loob ng Philippine area of ​​responsibility (PAR) sa susunod na tatlong araw, sabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Sabado, Abril 16.

“For the next three days [ay] maganda po ang panahon natin. [Ang] mga pag-ulan na mararanasan ay [mga] pulu-pulong pag-ulan [at] panandaliang pag-ulan lamang,” ani PAGASA weather specialist Ezra Bulquerin sa isang public weather forecast.

Ito, ayon kay Bulquerin, ay nangangahulugan na ang bansa ay maaaring makaranas ng pangkalahatan na maalinsangang panahon na may kaunting pagkakataon ng ilang mga pag-ulan na maaaring mangyari sa hapon o gabi.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Screengrab mula PAGASA via YouTube

Samantala, sa susunod na 24 na oras, maaring magdulot ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin ang northeasterly surface windflow na may pulu-pulong pag-ulan sa extreme northern Luzon.

Nagbabala ang state weather bureau sa mga residente laban sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa na maaaring mangyari sa panahon ng matinding bagyo.

Charlie Mae Abarca