Balik na sa normal na operasyon ang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa Parañaque City, ngayong Sabado.

Sa abiso ng pamunuan ng PITX, bukas na ang lahat ng biyahe, kabilang na ang mga patungong probinsya, katulad ng Bicol at Southern Tagalog ngayong Abril 16.

Kabilang sa listahan ng mga rutang binuksan na ang mga sumusunod:

1. Pio Duran, Albay

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

2. Daet, Camarines Norte

3. Jose Panganiban, Camarines Norte

4. Lahat ng biyaheng Camarines Sur

5. Lahat ng biyaheng Catanduanes

6. Lahat ng biyaheng Sorsogon

7. Occidental Mindoro

8. Lemery, Batangas

9. Biyaheng Quezon: Calauag, Infanta, San Andres, San Francisco, at Tagkawayan

10. Biyaheng Batangas: Batangas City, Lipa, Lipa via Tanauan, at San Juan

11. Guinayangan, Quezon

12.Cavite City (St. Anthony only)

13. Naic (Wescab only)

14. Ternate (St. Gabriel and St. Anthony only)

15. Iba pang biyaheng Cavite: Trece, Dasma, GMA, at Tagaytay

16. Biyaheng Albay: Legazpi, Tabaco, at Tiwi

Matatandaang kinansela ng PITX ang mga biyahe sa patungong Bicol at Southern Luzon nitong Huwebes Santo at Biyernes Santo upang makapagpahinga ang mga driver sa panahon ng Semana Santa.