Suportado ng aktor, singer, at komedyante na si Janno Gibbs ang kandidatura ni Vice President Leni Robredo. Gayunman, ayon sa isang netizen, kumakapit lang naman daw ang aktor kay Robredo para maibalik umano ang prangkisa ng isang tv network.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Janno ang isang quote card, na kadalasang makikita rin sa mga sumusuporta kay Robredo.

"Sa Gobyernong Tapat, Angat Buhay lahat. Sa Gobyernong Huwad, lahat tayo Tuwad," nakasaad sa quote card niya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

screenshot mula sa IG post ni Janno Gibbs

Nagkomento naman ang isang netizen sa nasabing post aniya kapit lang naman lang naman daw si Janno para maibalik ang ABS-CBN.

"SIGURADUHIN mo lang dahil kapag nagkataon paano naman kaming mahihirap kapit lang naman kayo dyan para maibalik ang ABS-CBN kung nagbabayad kasi sana ng buwis Hindi umabot dyan," saad niya.

"Just comment lol oh Papatol yarn sabay delete," patutsada pa ng netizen.

Nagreply naman ang aktor aniya, "Banned ako sa ABS! 'Di mo ba alam?"

Ang tinutukoy ni Janno ay 'yung post niya noong 2018 kung saan naglabas siya ng sama ng loob sa ABS-CBN dahil hindi siya isinalisa Christmas Station ID. Ngunit kalauna'y humingi naman siya ng tawad. Gayunman, hindi na rin siya nakita sa iba pang mga shows ng ABS-CBN.

"Banned ba? HAHAHA sorry-sorry di ako updated sa ganun yun lang kasi alam ko at isa parang gusto ko na nga rin lumipat sa kakampink masyado kasing matalino ang Pilipinas kailangan ng Lutang na presidente para naman bumagsak kahit papano perwisyo kasi sa Pangarap ang higpit masyado eh.wala lang masama lang LOOB ko sa lahat palabas lang ng kunti," tila sarkastikong reply ng netizen.

"Eto joke: Tanggalin mo L sa Lutang, ano matitira?" saad naman ni Janno.

screenshot mula sa IG post ni Janno Gibbs

Nitong nakaraang buwan ay naging matunog ang pangalan ni Janno dahil sa inilabas niyang political satire video na may "BTS: President Gibbs Headquarters" noong Marso 17.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/03/18/president-gibbs-inilabas-na-political-satire-video-ni-janno-gibbs-patama-nga-ba/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/03/18/president-gibbs-inilabas-na-political-satire-video-ni-janno-gibbs-patama-nga-ba/

Hindi rin niya pinalampas ang pagsita ng isang tagasuporta ni Presidential aspirant Bongbong Marcos sa kanilang satirical content.

“Hindi mo ba na napanood ung gawa ng kampo niyo kay Leni?” Ung sinasapian siya at nagwawala parang exorcist?! Anong tawag mo dun? Mabait pa ‘tong sakin,” aniya.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/04/03/mabait-pa-tong-sakin-janno-pumalag-sa-bbm-supporter-na-sumita-sa-kanyang-satire-video/