Sinagot ni Gab Valenciano ang nangangalaiting tagasuporta ni Pangulong Duterte sa Twitter. Walang pagtitimpi nitong tinira ang pinagdaanang depression ng direktor.

Sa isang Instagram story nitong Biyernes, Abril 16, ibinahagi ni Gab ang screenshot ng sinagot niyang tweet na pawang mula sa isang die-hard Duterte supporter (DDS).

Pangangalaiti nito, “Ano pa ang unaantay mob rod kung makapuna ka kay Tatay Digs wagas, pakamatay ka na. Di na kaya ng depression mo eh.”

Hindi naging lingid sa publiko ang naging karanasan ni Gab dahil ang amang si Gary Valenciano mismo ang nagbahagi noong nakaraan taon sa isang panayam kay Toni Gonzaga.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Hindi naman pinalampas ni Gab ang komento at tinugunan ito ng isang mabigat na sagot.

“This is a reflection of society today. Kung sino ka man, God bless you. Trying to insult me means you are triggering Filipinos struggling to ends meet. Shame on you. I have a beautiful family, support system, and a God who loves me. Not my fault you’re miserable,” matapang na tugon ni Gab sa isang DDS.

Nang maging kabahagi ng kampanya ni Presidential aspirant at Vice President Leni Robredo, naging tampulan din ng pambabatikos at online bashing ang direktor. Kamakailan ay niresbakan pa siya ng kanyang magulang.

Basahin: Gab Valenciano, ‘unbothered’ na sa bashing; todo-pasalamat sa inang si Angeli – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Pag-amin ni Gab, araw-araw niya umano natatanggap ang mga parehong tweet hanggang sa makasanayan na niya nitong ipagkibit-balikat na lang.

Ngunit, aniya, hindi lang siya ang maaaring nakakaranas nito. “But what about people who aren’t strong enough? Who may not have support system I do? What a sad and dangerous reality. No wonder suicide and depression cases are at an all-time high.”

Screengrab mula Instagram story ni Gab Valenciano

Pagpapatuloy niya, ang mga Pilipino ay dating mapagmahal, mapagkalinga, at may malasakit sa kapwa. “Where did we lose our way? What happened to us?” tanong niya.

Si Gab ang ambassador ng National Red Cross for Mental Health sa Pilipinas. Kagaya niya noong ma-diagnose ng depression, hangad niyang may masandalan ngayon ang mga taong may mabigat na pinagdadaanan dahilan ng kanyang aktibong pagsasalita ukol sa depression.

Pagtatapos na mensahe niya sa naturang basher, “God bless you whoever you are.”

Kasunod ng kanyang Instagram story, bumuhos ang "messages of encouragement" para kay Gab.

Screengrab mula Instagram story ni Gab Valenciano

Kasalukuyang reunited si Gab sa kanyang mga magulang ngayong Holy week.

Screengrab mula Instagram story ni Gab Valenciano